• Home
  • Fresh Scoops
  • Gloc-9 admits he is thankful to the LGBT community’s contribution to his success

Gloc-9 admits he is thankful to the LGBT community’s contribution to his success

The rapper also reveals details of the album he will be producing for KZ Tandingan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/4/2016 1:09 AM
Gloc-9 admits he is thankful to the LGBT community’s contribution to his success


070416-Gloc9_PUSH.jpgInamin ni Gloc-9 na malaki ang utang na loob niya sa LGBT dahil tinanggap ng grupo ang controversial song niyang “Sirena” noon. Pakiramdam niya, dahil sa naturang kanta kaya minahal siya ng mga bading at iba pang miyembro ng LGBT.

“Siyempre yung mga nasa LGBT na mga kaibigan natin ang isa sa pinagpapasalamatan ko. Nu’ng bago namin i-release ang Sirena, abot-abot po ang nerbyos ko. Hindi ko alam kung paano ito mai-interpret ng… lalo na ng mga nasa LGBT.

“Pero nung ininvite namin si Sir Boy Abunda, sabi niya, ‘alam mo ba, it’s not as simple as saying yes or no to the video, nag-appear siya sa video, eh. Talaga raw pinakinggan ng kanilang organisasyon yung kanta .

“At first, medyo offending yung ‘Sirena’ pero nung narinig nila yung song, naintindihan nila at sobra nilang nagustuhan and I’m very, very thankful dahil sila po talaga yung kauna-unahan sa listahan ko na gusto ko na makaintindi nung kanta,” pagre-recall ng rap icon kung paano naging instant hit ang “Sirena” noon.

Sa bagong album niya na Sukli under ng  Star Records, paborito naman niya ang kantang “Industriya” dahil parang isang reminder song daw ito sa kagaya niyang nasa music industry.

“Kasi pag nalunod ka sa kasikatan  alam mo naman in the end na hindi ito habang buhay. Yon din ang nagtulak sa akin to finish the song (Industriya). Para marinig din ng mga ibang susubok dito sa industriya.

“Sinabi din ni Vice ganda dati na matanda na siya nung nangyari sa kanya yung kasikatan niya, ako medyo hindi na rin naman po ako teenager or high school nu’ng nangyari yan (kasikatan) lahat, makunat na rin ako. Mahirap na akong turuan ng isang bagay na alam kong makakasakit sa akin… Siguro para din meron akong mapakinggan. Reminder din para sa iba,” paliwanag niya.

Kahit pa very successful sa kanyang profession, nananatiling simple pa rin ang buhay ni Gloc-9.

“Dati, lagi ko lang  dinadasal na sana kumpleto ang pera ko para sa panganganak ng misis ko at pag-deliver ng mga anak ko sa ospital. Nung medyo sinuwerte ako, ganu’n pa rin naman. Simple pa rin ang mga gusto ko sa buhay.

“Hindi naman kasi talaga ako ma-party na tao, eh. Hindi mo ako makikita sa bar, sa club or kung saan man unless may show ako don. Hindi rin naman ako mahilig maglagay ng mags sa kotse o maglagay ng malalakas na speakers,” kuwento pa niya.
 
Samantala, isa sa ikinaka-excite ngayon ni Gloc-9 ay ang gagawin niyang album para kay KZ Tandingan. Siya rin daw ang magpo-produce ng album ng singer.

“Si KZ po ay sobrang galing na rapper. Excited talaga ako na gumawa ng kanta para sa kanya. I think, fulfillment para sa akin na marinig ko kung paano ko iniisip yung rap parts pero maririnig ko na ginagawa niya.

Excited ako, may deadline na nga ako sa Star Records so kailangan ko ng tapusin yon. Ako na rin ang magpo-produce ng kanyang album,” he said.

Dagdag pa ni Gloc-9, ang album daw ni KZ ay mixed ng rap at kanta.

“May singing part din kasi magaling naman talaga siyang singer. Tetestingin ko rin lang, alam ni KZ yon, kinakabahan siya pero kaya niya,” confident na pahayag ng rap icon.