• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas believes the director talked to her in a dream.

Ai-Ai delas Alas emotional during Wenn Deramas’ book launch

Ai-Ai delas Alas believes the director talked to her in a dream.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

07/04/2016 01:20 PM
Ai-Ai delas Alas emotional during Wenn Deramas’ book launch

070416-AiAiDelasAlas_PUSH.jpgNaging emosyonal si Ai-Ai delas Alas nang magbigay siya ng mensahe sa book launch ni direk Wenn Deramas na sumakabilang buhay noong February 29 dahil sa cardiac arrest. Ikinuwento niya na nagkausap sila sa panaginip at para sa kanya iyon ang naging closure nila.

"Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Alam naman niya kung gaano ko siya ka-love. Kung nasaan ka man, alam mong mahal kita,” sabi ng komedyante.

Marami na ring napagsamahang proyekto ang aktres at director simula pa noong 2003 sa pelikulang Ang Tanging Ina. Hindi mapigilan ni Ai-Ai maiyak dahil sa pagmamahal niya sa director.


“Marami kasi akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin, paano ko tatapusin. Basta iyon pagmamahal ko na lang sa kanya, pagiging magkaibigan namin ang nasabi ko,” kuwento niya kay ABS-CBN News reporter MJ.

Nagkibit-balikat na rin si Ai-Ai sa isyu ng kanilang tampuhan na mukhang nagsimula noong Metro Manila Festival 2015.

“Nagtampuhan kami ng hindi namin namamalayan. Saan ba nanggaling iyon? Saan ba nag-start? Hindi ko rin alam kung paano natapos. Basta alam ko na mahal namin ang isa't isa."