Star Magic talents recall their beginnings in showbiz

Star Magic celebrates it's 24th year of honning talents in the entertainment industry.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/1/2016 12:36 AM
Star Magic talents recall their beginnings in showbiz


080116-PioloJodi_PUSH.jpgTwenty-four years na ang Star Magic at muling binalikan ng ilan sa kanilang pinaka kilalang talents ang kuwento kung paano sila na discover at nagsimula bilang artista.

Si Piolo Pascual, ipinagmalaki na dumaan siya sa maraming auditions. Talent na daw siya noon ng children's show na ATBP ng mabalitaan niya na naghahanap ng mga bagong artista ang ABS-CBN.

"I auditioned, I went through the ropes. I remember it was 1996, I was part of the show ATBP, I was there as a talent and there's an audition in Talent Center (dating tawag sa Star Magic) back then," kwento ng prime actor.

Aksidente naman ang pagkaka-discover kay Jodi Sta Maria sa kanyang pagpasok sa showbiz na nagsimula sa commercial endoresements.

"Seventeen years ago i was eating at a fast food chain and then may talent scout, si Joan Hernandez nag-discover sa akin, at first sa commercials. Sabi niya ABS-CBN is looking for new talents for a new batch of Star Circle, then nag punta kami para mag-audition," sabi naman ni Jodi.

Ang reality series na Pinoy Big Brother ang nag bigay daan kay Sam Milby para pasukin ang showbiz. Original batch ng PBB si Sam na mahiyain noon kaya napapagkamalan na suplado.

"I started sa Pinoy Big Brother season one. Ako yung sobrang mahiyain na tao, sobrang introvert ako," lahad pa ng bida sa Doble Kara.

Original naman na alaga ng Star Magic si Jolina Magdangal.

"Kaya nabuo ang dating Talent Center dahil sa Ang TV. Isa ako doon sa pioneer na naging member tapos nakakatuwa na sobrang laki-laki na nya ngayon," sabi pa ni Jolina.

Nag-celebrate ang talent management sa ASAP noong Linggo, kung saan rumampa ang halos lahat ng minamanage na artista ng Star Magic. Marami pang mini-celebrations ang pinaghahandaan ng Star Magic sa mga susunod na buwan at tiyak dapat na tayong mag abang.