• Home
  • Fresh Scoops
  • Ricky Gallardo says Ian and his wife Pam were surprised with rumors linking the actor to Jessy Mendiola.

EXCLUSIVE: Ian Veneracion's manager clears rumor saying the actor is already separated from his wife

Ricky Gallardo says Ian and his wife Pam were surprised with rumors linking the actor to Jessy Mendiola.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/01/2016 12:45 AM
EXCLUSIVE: Ian Veneracion's manager clears rumor saying the actor is already separated from his wife

080116-IanVeneracion_PUSH.jpgHindi nagbibigay ng kahit anong pahayag si Ian Veneracion tungkol sa isyu na diumano’y hiwalay na sila ng asawang si Pam Gallardo. Matagal nang nagsi-circulate ang naturang balita at ang itinuturong dahilan ng “hiwalayan” ay ang pagkaka-link diumano ni Ian sa pinakaseksing Pilipina ngayon na si Jessy Mendiola.

Ayon sa manager ni Ian na si Ricky Gallardo, walang katotohanan ang bali-balita. Ayaw na rin daw itong patulan ni Ian at wala ring balak magsalita ng actor.

“Natatawa lang kami kasi nabasa namin yon sa isang tabloid. Tawanan lang kami kasi nagdi-dinner kami – ako, si Pam, si Ian. Natatawa rin lang silang mag-asawa,” paliwanag ng talent manager-writer.


Ayon pa kay Ricky, hindi rin daw naapektuhan at all ng isyu ang pagsasama nina Ian at Pam. Wala rin daw sa image ni Ian ang pagiging chickboy o babaero kahit noon pa.

“Wala. Saka ano siya, eh, he values his family a lot. Kaya minsan may mga trabaho at nakikiusap na ganyan-ganyan, pero pag apektado yung anak niya, apektado yung pamilya niya, hindi niya tatanggapin, kahit P500 thousand or whatever pa yan,” rason ni Ricky.

Close din si Ian kay Jodi, pero never daw itong na-link sa actor.

“Close kasi talaga sila, sobrang close sila. Ang pakiramdam ni Jodi mapagkakatiwalaan niya si Ian kaya naging maganda talaga yung friendship nila. Si Ian kasi, wala rin siyang masyadong kaibigan sa showbiz at pag nagkaroon siya ng kaibigan from showbiz, aalagaan niya talaga.”

Eh, paano ba nagsimula ang tsismis kina Ian at Jessy?

“Nagtaka nga kami… parang. Kasi nag-ano na yan, bago lumabas ang FHM, nakita ko na na bakit may Lucky Manzano na siya, ganyan-ganyan tapos nakita ko biglang may Ian Veneracion na siya, di ba? Siyempre, nagbabasa tayo ng mga ganyan, di ba?” sabi ulit ng talent manager.

Si Pam,ano naman ang naging reaksyon niya sa isyu?

“Alam mo si Pam, ngingiti-ngiti lang yan. Wala lang sa kanya yon. Hindi siya naniniwala do’n,” paniniguro pa ng talent manager ni Ian.