• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor says he wants to make amends with his ex-girlfriend Elisse Joson.

Jerome Ponce enters the PBB house

The actor says he wants to make amends with his ex-girlfriend Elisse Joson.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

07/31/2016 12:56 AM
Jerome Ponce enters the PBB house

073016-Jerome_Push.jpg

Sabado ng gabi nang pinapasok muli sa bahay ni Kuya ang mga celebrity housemates na sina Hideo Muraoka, Jinri Park, Yassi Pressman, Nonong Ballinan, Nikko Natividad, McCoy de Leon, Elisse Joson at Juan Karlos Labajo.

Nagumpisa ang mga task ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemates sa Big Brother house sa Vietnam at ngayon ay simula naman ng kanilang mga pagsubok sa bahay sa may ABS-CBN.


Filipiniana ang tema ng bagong bahay ni Kuya at sa pag pasok pa lang nila ay biglaang hamon agad si Kuya, kung saan nabunot ni Yassi ang isang challenge ball na nagsasabing kailangan ay isang maleta lamang ng gamit mula sa isang housemate ang kanilang ipapasok sa kanyang bahay.

Ang hindi nila alam, ay ang taong magpapasok ng gamit ay ang isa sa mga "J" sa buhay ni Elisse, ang kanyang first boyfriend na si Jerome Ponce, na unang celebrity house guest sa season na ito.

Sa paglalahad ni Elisse kay Kuya sa Vietnam, labis siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ng kanyang unang ex dahil daw itinago nila ang kanilang relasyon at para bang hindi siya maka-move on dito.

Nang tanungin ng PBB host na si Toni Gonzaga ang tungkol dito, sinabi ni Jerome na hindi naman daw niya ikinaila ang relasyon nila ni Elisse. Sinabi din niya na, "Sorry. It's never too late."

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Elisse sa pagkikita nila ni Jerome? Magkakaroon na nga ba ng peace of mind ang dalaga? Siguradong yan ang pakakaabangan ng lahat sa susunod na mga episode ng PBB.