• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford admits he had a hard time playing a gay role for his new movie.

Billy Crawford says he and Luis Manzano just laugh off gay rumors

Billy Crawford admits he had a hard time playing a gay role for his new movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/30/2016 10:18 AM
Billy Crawford says he and Luis Manzano just laugh off gay rumors

073016-BillyLuis_Push.jpgHindi naka-attend si Billy Crawfod sa grand presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil nagka-pneumonia siya kaya binigyan siya ng solo presscon ng Regal Films para makausap ng entertainment press. Role ng isang bading na security guard na ayaw magladlad ang ginagampanan ni Billy sa pelikula na aminadong natakot tanggapin ang role nu’ng unang i-offer ito sa kanya ni Roselle at Mother Lily Monteverde.

“Honestly, nag-hesitate ako nung una. It’s not because of Regal or anything, nag-hesitate ako because of the role. Hindi ko kasi alam kung kaya kong gampanan o kaya ko bang gawin ito. Pero nung nalaman ko kung sinu-sino ang kasama ko, mukhang masaya naman. Saka first time ko to work with Direk Joel (Lamangan), I’ve never worked with Direk Joel before, yung pleasure lang, gusto kong ma-experience na makatrabaho siya,” kuwento niya sa Push.com.ph.

Aminado rin ang singer-actor na medyo nahirapan siyang i-portray ang role.


“Of course nahirapan pa rin, kasi as an actor, bilang straight, to portray ng gay role, it’s very difficult because ayaw mong masaktan, ayaw mo rin namang maging OA kasi baka naman masktan ang LGBT.

“Sa totoo lang I have to ask Vice (Ganda), I have to ask a lot of my friends kung paano bang maging bakla lalo na yung tinatago mong bakla ka. So, it took awhile to adjust, pero napakahusay talaga ni Direk Joel (Lamangan) kasi gina-guide niya ako,” paliwanag niya.

Niligawan na ba siya ng bading noon?

Nagsimula ako sa showbiz four years old so hindi ko alam kung lapitin ako ng bading. Kung lalapitan ako, siguro papakandong, pero marami akong mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan na bading.

“Never naman akong niligawan ng bading, never had a proposal,” sagot ni Billy.

Dahil gay-themed ang That Thing Called Tanga Na, tinanong ng press si Billy kung ano ang naging reaksyon niya noong nail-link sila ni Luis Manzano dahil sa tindi ng kanilang bromance.

Ay pinagtatawanan lang namin yon. Mas lalo kaming naglalandian sa isa’t isa para mainis lang yung mga yon. We enjoy working together. Si Lulu Boy (tawag niya kay Luis), isa sa matalik kong kaibigan yan.”

So, hindi siya naniniwala sa tsismis na gay si Luis?

Hindi ah. To be honest, sa akin naman, wala akong pakialam kahit pagdudahan siya. Kilala n’yo naman si Luis. Hindi namin pinag-uusapan yon. Pag secure ka (sa gender) secure ka di ba?”

Eh, kumusta naman ang friendship nila?

Siya yung girl,” patawang biro ni Billy.

Alam mo si Luis, isa siya sa pinakamahirap na hagilapin. He’s sobrang busy. Pag nagkakasama kami, very short period lang, so mabilisan yung usapan. Puro kalokohan yan pagdating sa TV pero si Luis is one of the most intelligent human beings I’ve met.

“He’s very secretive… very, very. Kailangan hugutan mo, hindi mag-o-open sa yon yan until he really trusts.”

Hindi rin ba niya pinagdudahan ang pagkalalaki ng kaibigan?

“No, never! Don’t have to. I mean, really don’t care. I don’t look for a friend and hinuhusgahan ko agad ang gender niya. I don’t do that,” katwiran ni Billy.