• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer also reveals he will be hosting this year’s WCOPA.

EXCLUSIVE: Jed Madela admits he will be sad if he gets removed from ASAP

The singer also reveals he will be hosting this year’s WCOPA.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/04/2016 01:16 AM
EXCLUSIVE: Jed Madela admits he will be sad if he gets removed from ASAP
070416-JedMadela_PUSH.jpgNaging shaky for a while ang ratings ng ASAP, ang Sunday musical show ng ABS-CBN, kaya hindi maiwasang mag-worry ng mga regular performers dito tulad na lang ng World Championship Of Performing Arts (WCOPA) champion na si Jed Madela.

Pero say ni Jed, “Ako naman, I’ve been very confident na hindi mawawala ang ASAP. I mean, ASAP will always still be there. We always go with the flow, kung anumang binibigay sa amin na proyekto sa ASAP, mga (production) numbers namin, ina-accept naman namin.”

Ayon pa sa kanya, nagkasundo rin daw sila ng production team ng ASAP tungkol sa schedule ng kanilng production number.

“If ever this week na wala kaming ASAP, okay lang naman. I’m also happy lang din at blessed na kung wala akong ASAP kinukuha ako ng TFC. Kung walang TFC meron akong mga sariling concerts at blessed din ko na hindi ako nawawalan ng mga tours,” pahayag pa niya.

Naisip ba niiyang magkaroon ng contingency plan if in case mawala na siyang tuluyan sa ASAP?

“In all honesty, natakot ako, not for anything ha, kasi ASAP is part of my entire career… big part actually. Sobrang laki ng utang na loob ko sa ASAP and it’s going to be sad kung mawawala ako if ever.

“Plans? Tuluy-tuloy yung concert ko, yung recording ko, shows with TFC… yon lang siguro. Pero siyempre,  we really fought for ASAP, talagang inaano talaga namin na ASAP is a big priority din sa career ko,” katwiran niya.

Hindi rin daw ma-imagine ni Jed ang buhay niya kung wala ang ASAP.

“Hindi ko talaga mai-imagine kasi sa ASAP ako lumaki,” pag-amin niya.

“I mean, when I started, nu’ng nanalo ako sa World Championships, ASAP talaga ang unang kumupkop sa akin. It was the first show na talagang pinadama sa akin na I belong somewhere. ASAP is a big part of my life.”

Susubukan na rin ni Jed ang hosting kaya lilipad siya ng Amerika sa July 6 to host WCOPA.
       
“This July I’ll be hosting the entire WCOPA, first time ito sa akin. Last year kasi guest lang ako, nag-perform. It’s something new for me kasi never naman akong naghu-host.

“Kinakabahan ako at the same time excited din ako and happy kasi full support naman yung management ko, ang WCOPA family ko, full support sila sa akin.

“I’ll be hosting the opening ceremony, I’ll be doing the daily shows, I’ll be hosting the finals night, lahat-lahat. It’s also the 20th anniversary of WCOPA. Happy naman ako kasi in-acknowledge nila yung nagawa ko sa WCOPA, the success that happened to me because of WCOPA,” kuwento pa niya.
 
Sa last part ng aming interview ay tinanong namin si Jed kung kalian babalik ang Your Face Sounds Familiar kung saan isa siya sa judges.

“Wala pa silang binanggit sa amin na specific dates. Sinabi lang nila na there’s definitely going to be a third season. Pero sa tingin ko, next year na siguro.