EXCLUSIVE: Angeline Quinto talks about working with one of the strictest directors in showbiz

Angeline Quinto is working on two comedy movies.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/03/2016 11:04 AM
EXCLUSIVE: Angeline Quinto talks about working with one of the strictest directors in showbiz
070316AngelineQuinto_push.jpgBukod sa pagiging regular performer sa ASAP kung saan isa siya sa member ng ASAP Birit Queens, abala rin si Angeline Quinto ngayon sa syuting ng dalawang pelikula sa Regal Films—ang That Thing Called Tanga Na at Never Been Touched Never Been Kissed.

Ang award-winning director na si Joel Lamangan ang katrabaho ni Angeline sa dalawang pelikula kaya natanong naming kung siya kung kumustang katrabaho ang isa sa pinakaistriktong director ng industriya.

“Si Direk Joel, sobra akong nag-i-enjoy kapag katrabaho ko siya. Never niya akong nasigawan. Never niya akog pinagalitan,” kuwento agad ng singer-actress.

“Kung meron man po akong hindi naiintindihan o hindi ko magawa ng maayos sa pag-arte, tinutulungan niya ako agad. At least, mas napapadali, nagagawa ko agad kung ano yung gusto niyang gawin ko,” dagdag pa niya.

Malaki rin ang pasalamat ni Angeline sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde ng Regal.

“Kay Mother Lily, hindi man po kami ganu’n ka-close di ba, pero yung tiwala na binigay sa akin pati ni Tita Roselle, sobrang thankful ako. Kasi ang dami-daming artista na puwedeng gumawa non pero ako po yung pinili nila.

“Prinamis ko naman lalo na kay Direk Joel din na kung ano yung makakaya ko sa pag-arte, talagang ibibigy ko po,” sey pa niya.

Ayon naman kay Direk Joel, pinuri niya si Angeline dahil magaling daw ang timing nito sa comedy. Ano ang reaksyon niya rito?

“Ah, siguro sa totoong buhay ko po kasi, di ba, mahilig din lang akong sumagot ng pa-comedy lalo na pag si Ate Vice (Ganda) ang kasama ko. So, ina-apply ko lang din yon sa role ko sa dalawang movies na ginagawa ko nga.

“Saka si Direk Joel, magaling din siyang magturo talaga. Yung mga hindi ko naiisip, naiisip niya na agad so binibigay niya lang sa akin, ako lang yung aarte non,” rason pa niya.

Pero inamin ni Angeline na kahit sinasabing mahusay ang timing niya sa comedy ay kailangan din daw niyang um-effort para maging katawa-tawa.

“Opo naman. Kahit na nakakatawa talaga ako sa totoong buhay, siguro talagang may effort pa din po pagdating sa pag-arte kasi sinasabi nila na kapag singer ka, magaling ka daw umarte… parang mahirap din kasi wala namang tono, di ba?

“So kailangan talaga magaling ka sa timing. Importante din na bago mo gawin yung eksena alam mo talaga yung gagawin mo, eh. Huwag kang aarte na hindi mo alam yung ginagawa mo kasi mas mahirap.

“Mas malaking bagay din po yung nagkokonek kayo ng director. Na yung director saka ikaw, kumbaga, pareho kayong nagkakaintindihan, at least kung ano yung gusto niyang mangyari yon din yung maisip mo at magagawa mo din,” dire-diretso niyang pahayag.

Eh, sino ba ang hinahangaan niya pagdating sa comedy?

“Si Maricel Soriano po talaga. Siya talaga yung… bago pa sina Ate Vice, bata pa lang ako yung mga movies niya, grabe. Hanggang ngayon pag may pinapalabas sa Cinema One na movie ni Maricel Soriano, minsan nale-late na ako sa pupuntahan ko kasi gusto kong tapusin.

“Sobra ko siyang… sa comedy at pag-arte si Miss Maricel Soriano talaga,” sabi pa ni Angeline.

Love life? “Soon, sana… kasi ngayon priority ko talaga ang work. Si Erik (Santos), actually okey pa rin naman kami. Masyado lang kaming busy sa mga trabaho, pero kung tatanungin kung kami, hindi. Hindi kami. Very good friends lang.”