• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda asks GGV guests Vin Abrenica, RK Bagatsing and Victor Silayan the meaning of ‘closure’ in a relationship.

Ano ang ‘closure’ para kay Vice Ganda?

Vice Ganda asks GGV guests Vin Abrenica, RK Bagatsing and Victor Silayan the meaning of ‘closure’ in a relationship.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/04/2016 01:10 AM
Ano ang ‘closure’ para kay Vice Ganda?
070416-ggv_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, tinanong ni Vice Ganda ang hot guests niya – sina new Kapamilya Vin Abrenica, RK Bagatsing ng Be My Lady at Victor Silayan ng Tubig at Langis kung ano ang ibig sabihin ng ‘closure’ sa isang relasyon para sa kanilang mga lalaki. 

Sagot ni Vin, “Para sa akin hindi naman ako naniniwala sa closure kasi kahit anong closure na ibigay mo sa akin kung mahal pa rin kita anong closure na ibibigay mo?” 

Ayon din kay Vin naghiwalay sila ng kanyang last girlfriend “for the better.” 

Amindo rin si Vin na heartbroken siya ngayon at 40 days na raw silang hiwalay. 

Naniniwala naman si RK at Victor sa closure. Ayon kay Victor, “Kailangan ng closure para alam ng isat isa na we’re done na and it’s time to move on.” 

Pero iba ang pananaw ni Vice, “Feeling ko kasi ang closure that is something you give to yourself. That is not something you ask from someone else, kasi di ba may mga tao talagang madamot e, ipagkakait nila sayo yan. Paano kapag hindi nila binigay e di hindi ka makaka move on.”