James Blanco reveals he has plans of migrating to New Zealand soon

James Blanco admits he made a few mistakes in his marriage.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/29/2016 08:50 AM
James Blanco reveals he has plans of migrating to New Zealand soon

072916-james_main.jpgBalak ni James Blanco na mag-farming na lang kapag nag-retire na siya sa showbiz. May farm ang asawa niya sa New Zealand at mahilig din daw ito sa farming.

“Kasi ang wife ko lumaki sa New Zealand. We’re planning to migrate talaga sa New Zealand kasi may farm sila sa New Zealand at yung wife ko sanay. Singlaki ng Pilipinas ang New Zealand pero ang tao do’n mga six million lang. Kung meron ka ngang P3.5M or 100,000 New Zealand dollar, may one hectare ka na,” kuwento ng actor.

Sa New Zealand din daw nila balak pag-aralan ang mga anak.


“Kasi ang mga anak ko balak do’n mag-aral at saka may balak din kami talaga na pag-aralin ang mga bata doon. Kasi ang mahal ang edukasyon dito, eh.

“Alam mo don kasi mura, kasi yung government don subsidize ang pag-aaral ng mga bata tapos may allowance pa sila,” katwiran pa niya.

Eh, kelan ba nila balak mag-migrate ng pamilya niya?

“Soon na talaga!” sagot niya. “At saka matagal na talaga naming plano ni Tanya (asawa) na magpunta do’n. Actually, nu’ng nag-stop akong mag-artista for five years dapat pupunta na kami ng New Zealand. Kaso bigla naman akong nagkaroon ng trabaho dito.

“Tapos yung mga bata, pinakita namin yung New Zealand, gustung-gusto nilang pumunta. So by December, baka don na kami mag-Christmas. Titingnan namin kung saan kami mag-i-stay,” pahayag pa niya.

Katulad ng ordinaryong pamilya, inamin ni James na may mga naging pagkukulang din siya sa kanyang misis.

“Siyempre, may mga pagkakataong nagkakamali ka.

“Aminado naman ako, nagkamali ako sa asawa ko at hiningi ko na ng tawad yon, hiningi ko ng tawad sa Diyos, sa asawa ko. Siyempre, yung mga panahong yon bata ka, di ba?

“Ang pagkakamali kasi pag inulit-ulit mo siya, hindi na siya pagkakamali, eh. So, pag nagkamali ka na, huwag mo nang ulitin.”

Ipinagpasalamat naman ni James na hindi siya iniwanan ng asawa niya nu’ng mga panahong nagloloko siya.

“Thankful ako sa asawa ko dahil sa awa naman ng Diyos, never niya akong iniwan. Kasi ano, eh, pinalaki yung wife ko na dapat solid ang pamilya, kung hindi dahil sa asawa ko, malamang broken family na kami, kawawa naman yung mga anak ko. Kumapit pa rin yung asawa ko at pinanindigan pa rin niya yung pangako namin.”

Ipinagmalaki rin ni James na matagal na raw siyang nagbago kaya hindi na sila nagkakaproblema ngayon ng misis niya. Samantala, tatlo na ang anak ni James. Ang eldest niya ay 11 years old, 10 ang pangalawa at 4 ang bunso.