• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Del Rosario on joining 2016 MMFF: ‘Hindi kami aabot sa deadline’

Vic Del Rosario on joining 2016 MMFF: ‘Hindi kami aabot sa deadline’

Viva’s boss Vic Del Rosario admits producers are still adjusting to new MMFF rules.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/28/2016 10:15 AM
Vic Del Rosario on joining 2016 MMFF: ‘Hindi kami aabot sa deadline’


072816-viva_main.jpgSa grand opening ng Boteyju authentic Japanese restaurant sa Mall of Asia na pag-aari ng Viva Restaurants, naikuwento ni Boss Vic del Rosario ang kanyang saloobin sa bagong patakaran ng Metro Manila Film Festival kung saan halos taon taon ay may pelikula siyang lahok.

Malungkot na sinabi ng Viva producer na wala silang entry para sa 2016 MMFF. "Sa film fest medyo nahuli na kami sa deadline; hindi na kami aabot." Sa bagong guidelines ng MMFF at bagong officials na magpapatakbo nito at first time na ipapatupad ngayong December, medyo nangangapa pa ang mga producers.

"Medyo hindi pa rin natin kabisado ang bagong regulations. We tried to come up with a project pero hindi na kami aabot sa deadline. Hindi ko alam kung babakas kami ng isang pelikula with Star Cinema. Mag-uusap pa kami ni Ms. Malou Santos."

Pero kahit di umabot sa MMFF, marami pa naman daw mga pelikula ang kanyang film production na ilalabas ngayong taon. "Pero may mga pelikula pa kami lalabas like yung Camp Sawi lalabas sa August 24. Iyung pelikulang bago ni Anne Curtis iyung Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend and then iyung kay Juday (Judy Ann Santos) na Kusina ilalabas namin. Meron pa launching movie ni Bela Padilla, lahat yan ilalabas namin for 2016. Buhay ang pelikulang Tagalog." pagtatapos ni Boss Vic.