• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says she still has moments when her physical appearance affects her.

Judy Ann Santos admits she feels insecure after gaining weight

Judy Ann Santos says she still has moments when her physical appearance affects her.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/28/2016 10:31 AM
Judy Ann Santos admits she feels insecure after gaining weight

072816-juday_main.jpgHalatang nag-gain ng weight si Judy Ann Santos pagkatapos niyang makapanganak kay Luna, third baby nila ni Ryan Agoncillo. Hindi naman itinanggi ng aktres na nakaramdam siya ng insecurities dahil sa kanyang figure ngayon.

“May mga moments pa rin talaga na yung physical appearance mo ay makakaapekto sa ‘yo. Hindi ako magsisinungaling do’n sa thought na hindi ko naiisip na bakit ako ganito (kataba). Tao lang ako, nai-insecure ako, minsan napu-frustrate ako.

“But I’m so happy na my husband is very, very supportive. Talagang napaka-supportive ni Ryan sa akin pagdating sa workout, pagkain… ano siya, parang sexy pa rin ako (sa paningin niya),” pag-amin ni Juday sa Push.com.ph.


After Luna, balak pa ba ulit nilang magkaroon ng anak?

“Hindi pa puwede, under renovation pa ang reproductive system,” sey niyang natatawa. “Kailangan pang magpahinga, but in God’s will bigyan pa kami ng isa pa, hindi naman ako magrereklamo, bakit naman hindi.

“Pero pag dumating siguro ako ng mga 45 at hindi pa uli, okey na okey na kami sa tatlo. Sakto naman kami sa limang taon na agwat ng bawat bata, it’s perfect for us, nabibigyan naming ng sapat na atensyon yung mga anak namin,” patuloy niya.

Ayon pa sa aktres, kailangan daw muna niyang magpahinga nang husto bago isipin kung magbubuntis ulit.

“Ang advice kasi sa akin ng doctor is pahinga muna, at least two to three years. Eh, two years from now, 40 na ako, so bahala,” lahad niya.

Nabanggit din ni Juday na baka magkaroon ulit siyang bagong book pero this time, hindi na raw siya tungkol sa recipe ng mga pagkain.

“Who would have thought na magiging ganu’n ka-hit yung libro ko? Thank you po, hindi ako makapagpasalamat kasi nao-overwhelm ako sa response ng mga tao sa libro. Yes, there is a chance to have another book.

“Maybe a journey on losing weight, post natal, but most definitely it would be a book na very relatable sa journey ko ngayon… kumbaga mas personal lang siya kasi hindi lang siya magiging puro pagkain. May recipe na siya ng workout, yung tamang nutrients na ite-take mo for breastfeeding… yung ganu’n, yung buong jouney ng panganganak uli, how to recover, how to feed yourself, your body, ganyan,” balita pa niya sa amin.

Eh, ano naman ang reaksyon niya na nag-aral na rin ngayon ng culinary si Sarah Geronimo na halatang tinutuluran talaga ang ginagawa niya?

“Alam mo, feeling ko baka naman nagkakataon lang. Sa palagay ko, lalo ngayon di ba, very open ang culinary (schools) sa lahat and I’m so happy that Sarah wanted to learn something different and she wanted to learn something new that would prepare her for the future.

“And I think that’s a really good decision. Nourish your mind, nourish your soul, give time for yourself. I would always tell her naman na do something for yourself. It’s about time that you decide what will make you really, really happy,” pagtatapos ng aktres na bagong celebrity endorser ng Sun Life Insurance.