• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon talks about the importance of having an education.

EXCLUSIVE: Allen Dizon speaks up on possible comparisons to Cesar Montano

Allen Dizon talks about the importance of having an education.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/28/2016 10:19 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon speaks up on possible comparisons to Cesar Montano

072816-allen_main.jpgMay Cinemalaya entry si Allen Dizon titled Lando at Bugoy na sinulat at idinirek ni Vic Acedillo Jr. Isang illiterate father na sinabayan ang anak na lalaki sa pag-aaral ng high school ang role ni Allen sa pelikula.

“Yung karakter ko kasi bilang Lando, hindi siya nakapag-aral noong kabataan niya dahil sa hirap ng buhay. Pero nu’ng time na may trabaho siya at kumikita na siya ng para sa pamilya, para sa mga anak niya, do’n niya naisipang mag-aral para maipakita niya sa mga anak niya kung gaano kaimportante ang pag-aaral. Bale, sabay kaming nag-aral dito ni Bugoy,” kuwento ni Allen sa Push.com.ph.

Unang inalok kay Cesar Montano ang role niya sa Cinemalaya movie. Handa na ba siyang maikumpara ang acting niya kay Cesar?


“Si Cesar naman, iba naman yung level ng acting niya, iba rin naman yung level ng acting ko. Siyempre, alam naman natin na magaling si Cesar, kung paano siya umarte, matagal na rin siya sa industriya at award-winning actor din siya. So, hindi ko puwedeng i-compare kung paano yung puwede niyang gawin at puwede kong gawin.

“Siguro, yung director ko na lang ang makakapagsabi kung ano yung acting na ipinakita ko dito sa movie. More on realistic at hindi siya ganu’n ka-loud katulad ng mga ginawa ko. Subtle lang siya pero hindi naman din ganun ka-subdued,” pagde-describe pa ng actor.

Since parang isang advocacy film ang Lando at Bugoy na binibigyan ng importansya ang edukasyon, tinanong namin si Allen kung natapos din ba niya ang pag-aaral kahit na nag-showbiz na siya.

Ayon sa award-winning actor, “Tinapos ko talaga yung pag-aaral ko. HRM ang course ko. Nung nag-start akong mag-showbiz, second year college na ako. Tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ko habang nag-aartista ako.

“Ako kasi, yon lagi ang iniisip ko, eh. Yon lang kasi ang kaya kong ipamana sa sarili ko at ng mga magulang ko sa akin, yung makatapos ng pag-aaral kaya nagpursige ako talaga. Walang makaka-agaw sa akin non, eh,” he said.

At ganu’n din daw niya ipinapa-realize sa mga anak niya ang value ng education.

“Lahat naman ng magulang gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila at edukasyon yung best instrument para ma-achieve nila yon, di ba? Iba kasi talaga kapag nakapag-aral ka. At saka yon din lang ang puwede kong ipamana sa kanila. Kung wala man akong maiwang pera sa kanila, at least napag-aral ko sila,” pahayag pa niya.

Bukod sa Lando at Bugoy, sisimulan na rin ni Allen ang isa pang indie film para sa Cinema One Originals titled Malinak Ya Labi (Silent Night) kasama si Angeline Quinto. Ipapakita sa pelkula ang paniniwala ng mga taga-Pangasinan tungkol sa tinatawag nilang “alay” o pagsasakripisyo ng buhay ng tao para sa isang ritwal.