• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco admits separation with Melai Cantiveros: ‘Wala na po ang Melason’

Jason Francisco admits separation with Melai Cantiveros: ‘Wala na po ang Melason’

The former PBB housemate posted his sentiments on the Instagram account of daughter Mela.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

7/27/2016 12:51 PM
Jason Francisco admits separation with Melai Cantiveros: ‘Wala na po ang Melason’


072716-melason_main.jpgSa ilang mga post sa Instagram sinabi ni Jason Francisco na nagkalabuan na nga sila ng asawang si Melai Cantiveros nang dahil sa hindi pagkakaintindihan sa trabaho.

Ipinaiintindi ni Jason na ang samahan nila ni Melai ay di na lamang love team tulad ng nagsimula sila sa Pinoy Big Brother, kundi mag-asawa sila sa totoong buhay. Sinabi ni Jason na noong tinanggap daw ni Melai ang role sa We Will Survive, sinabi daw na walang makaka-pareha ng pirmi ang kanyang asawa.

Sa una daw ay masaya siya at pareho silang may trabaho ni Melai, dahil siya ay naging side kick naman sa Super D. Pero dahil sa schedule nila ni Melai ay halos di na sila magkita ng kanyang asawa at parang di daw siya mapakali at may kakaibang nararamdaman. Two months na din palang itinago sa kanya at yun pala ay nagbago na pala ang kwento ng teleserye ni Melai at siya ay may kapareha na nga si Melai.

Nakiusap daw si Jason sa production ng teleserye ngunit walang nabago sa script nito. Nalungkot daw ng todo ang former PBB housemate kayat pati ang kanyang trabaho sa Super D ay naapektuhan na.

“Dahil po ako’y nakakaramdam ng selos, syempre po asawa ko yuon, mahal na mahal ko po yun, kasal kami at higit pa duon asawa ko po yun sa totoong buhay, at ayoko po talaga na may ibang humawak sa asawa ko[sic],” paglalahad pa ni Jason sa kanyang post.

Sa bandang huli sinabi ni Jason na nagdesisyon na siyang maghiwalay sila ni Melai.

“Naghiwalay na po kami. Wala na po ang Melason.”

Dapat daw ay binigyang halaga ang kanilang pamilya at di lamang ‘grab ng grab ng blessings.’




Nagkaroon din ng matinding tampuhan noong magkasintahan pa si Jason at Melai na naging rason ng kanilang pansamantalang paghihiwalay noong 2012. 


Ilang buwan after nilang magkabalikan, ay inannounce ni Melai na siya ay nagdadalang tao. Ikinasal si Melai at Jason noong Dec 9, 2013 sa hometown ni Melai sa General Santos.