• Home
  • Fresh Scoops
  • The PBB Celebrity Housemate says she was thinking of her first boyfriend when she did her ‘hugot’ commercial

Elisse Joson reveals the 3 ‘Js’ in her life

The PBB Celebrity Housemate says she was thinking of her first boyfriend when she did her ‘hugot’ commercial

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/27/2016 12:50 PM
Elisse Joson reveals the 3 ‘Js’ in her life

072716-ElisseJoson_main.jpgSa pag-uusap ni Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate Elisse Joson at ni Kuya, nagkwento si Elisse tungkol sa tatlong J sa buhay niya.

Sinabi ni Elisse kay Kuya na, “Tingin ko po hindi pa ako nakaka-move on.” Tinutukoy niya ang isa sa tatlong J na inibig niya at nakasakit sa kanya.

Ayon kay Elisse kilala ni Kuya ang tatlong J na ito. Dagdag pa niya, “Ayoko na nga ng J Kuya.


Sino naman kaya ang first J? Ani Elisse, “It wasn't planned, ka-trabaho ko po siya nun. Hindi naman po namin type yung isa’t isa, pero nung nagkakilala po kami parang na open-up po yung life  ko sa kanya, tapos ganun din po siya so parang dun po ako nahulog. Hanggang sa naging okay po and then hanggang sa hindi na naging okay.

Nang tanungin ni Kuya kung bakit hindi naging okay, ang sagot ni Elisse ay, “Kuya dahil po kailangan pong itago kung ano man po yung relationship po namin noon. Siyempre sa nanay ko po Kuya, hindi po naging okay yun kasi unica hija po ako ng nanay ko. Hindi po okay sa kanya yung tinatago ako. Siyempre po sa akin din po, hindi din po okay yun, pero nung time po na yun tinitiis ko po Kuya.”

Bakit naman kailangan itago si Elisse? “Dahil daw po sa trabaho po niya Kuya.” Sang-ayon si Elisse kay Kuya na masakit kapag tinatago. “Siyempre po, sobra po.”

Pinigilan ni Elisse ang pagtulo ng luha niya at inamin rin niya na itinago rin siya ng pangalawang J na minahal niya. “Actually, sa first J and second J po yun Kuya, more on the second J Kuya. Yung sa pangalawa po kasi Kuya, hindi naman umabot dun sa point na naging ganun kalalim yung samahan Kuya.  More on getting to know, being friends, going out with friends.”

Nagbigay rin ng clue si Elisse tungkol sa mga J sa buhay niya. Aniya, ang unang J ay may six letters at ang pangalawa ay may five letters sa pangalan nila.

Sino naman kaya ang iniisip ni Elisse ng ginawa niya ang commercial niya kung saan siya nabansagang “Hugot Queen.” Sagot ni Elisse, “Kuya, it was the first one po Kuya.” Nang tanungin kung unang boyfriend niya si first J, sinabi ni Elisse na, “Parang ganun po Kuya.

Ayon pa kay Elisse, naka isang taon din silang magkasama ni first J.

Tumulo na ring tuluyan ang luha ni Elisse nang ikwento niya ang sitwasyon nila ngayon ni first J. “Nagkikita po kami pag sa work po Kuya. Pero sa totoo lang Kuya pag nakikita ko po siya, naalala ko yung dati. Kahit na i-try ko po tingnan siya as yung ngayon, hindi ko po magawa Kuya.” 

Ano naman kaya ang epekto ng lahat ng sakit na ito kay Elisse? Hindi ko po magawang parang magtrust sa tao po Kuya. Pero tinitingnan ko na lang po as a good thing kasi siyempre kasi yun nga po yung nagamit ko sa commercial.”

Ang third J naman ayon kay Elisse ay may three letters ang pangalan. Dagdag pa niya, “Kilala po siya nung 2-in-1 housemates po. Nag-‘slice it on the left’ together sila.”  

Ayon pa kay Elisse ang love para sa kanya, “is a sacred thing you give to someone you fully trust. You give not your all, but your best for that person.”

Sa ulat naman ng Tonight with Boy Abunda, sinabing ang hula ng marami sa 3 J ay sina Jerome Ponce, James Reid at Jon Lucas. 


WATCH: Netizens hinulaan ang 3 J sa buhay ni Elise Joson