• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia admits his latest role has similarities to his own life.

EXCLUSIVE: Joshua Garcia says he has no problems with Jerome Ponce having a crush on Loisa Andalio

Joshua Garcia admits his latest role has similarities to his own life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/26/2016 10:03 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia says he has no problems with Jerome Ponce having a crush on Loisa Andalio

072616-joshua_main.jpgNasa cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN na The Greatest Love si Joshua Garcia. Gagampanan ni Joshua role ng apo ni Sylvia Sanchez at anak naman ni Dimples Romana.

Masaya si Joshua na pagkatapos niyang matanggal sa Born For You series ay nabigyan siya ng bagong teleserye.

“Hinahayaan ko lang naman na malaglag ako o kumbaga, matengga ako. Kasi nagagamit ko rin siya sa trabaho ko, eh, lalo na ngayon, heavy drama yung ginagawa kong soap, marami ka dapat karga,” deklara ng binata.


Sa totoong buhay ay hindi close si Joshua sa kanyang nanay. Ganito rin daw ang istorya ng karakter niya sa The Greatest Love.

“Hindi rin kami masyadong close ng mama (Dimples) ko dito (played by Dimples Romana). At yon din yung karga ko. Mas close ako sa Lola Mama (Sylvia) sa The Greatest Love,” kuwento niya about his role.

Hindi ba niya nami-miss ang mama niya?

“Nami-miss ko rin pero naintindihan ko rin naman na busy siya sa trabaho niya, marami siyang ginagawa, inaasikaso pa niya yung mga kapatid ko sa kanya na dalawa,” sagot niya.

Feeling blessed naman si Joshua dahil sa bago niyang teleserye.

“Sobrang blessed ko and sobrang saya ko na nakasama ako dito at nahilera ako dito sa mga batikang artista. Siguradong marami akong matututunan sa kanila.”

Kaya ba niyang makipagsabayan sa mga magagaling na artistang kasama niya sa The Greatest Love?

“Kaya yan! Kasi mababait naman po sila at alam kong aalalayan nila ako,” kampante niyang reaksyon.

Eh, ano namang reaksyon niya na si Jerome Ponce na ngayon ang ka-love team ni Loisa Andalio at umamin pang crush niya ang dalagang partner niya rin sa Wansapanataym?

“Okey naman po, kasi magkakatrabaho naman po kami sa ASAP, so wala naman po kaming ilangan kasi crush lang naman po yon. Ako nga po crush ko si Kathryn (Bernardo), eh. Wala naman din po kaming ilangan ni Daniel (Padilla),” pagtatapat niya.

Ano bang nagustuhan niya kay Kathryn?

“Siguro yung ano niya… yung pagiging mahinhin niya at saka babaing-babae talaga. At saka para siyang sobrang bait magsalita,” deskripsyon niya kay Kathryn.

Kasama si Joshua sa KathNiel movie ng Star Cinema na kinunan pa sa Barcelona, Spain under the direction of Olivia Lamasan.