• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao reveals out of the box role in new indie movie

Shaina Magdayao reveals out of the box role in new indie movie

The actress is also busy with her business Smile Engineering for Kids.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/24/2016 11:52 PM
Shaina Magdayao reveals out of the box role in new indie movie


072516-ShainaMagdayao2_PUSH.jpgInabutan natin si Shaina Magdayao sa booth ng Smile Engineering for Kids sa Franchise Exhibit sa SMX at dito proud na nai-share ni Shaina na maraming natutulungan ang kanyang educational program na dinala niya sa ating bansa mula sa United States.

"That's why we are here kasi we are now open for sub-franchising. We were the ones to introduce them, at first reluctant pa nga ang schools natin but now we have established ties with partner centers. Right now meron na rin kami brand activations and corporate events," paliwanag ni Shaina.

Naging busy ang first half ng 2016 para kay Shaina at didiretso na siya kaagad sa isang bagong pelikula na ikakagulat ng lahat.

"Two week break kasi nag-sunod-sunod yung Story of Us, Single Single tapos yung MMK pa, medyo naging mabigat ang first part ng taon. Next week mag-start na ako sa Cinema One Originals movie that I'm about to do," kwento pa niya.

Bago sumabak sa shooting, matinding preparations ang paghahandaan niya dahil gusto niyang lumabas na kapanipaniwala ang kanyang pag ganap.

"It's entitled Lily, medyo malaking challenge siya not only physically pero kasi ang dialogue is bisaya kaya marami ako aaralin sisimulan end ng August," pagtatapos ni Shaina.