• Home
  • Fresh Scoops
  • The sisters says they realized the importance of giving time to their loved-ones after their mom passed away early this year.

Janice and Gelli De Belen emphasize importance of family despite busy acting careers

The sisters says they realized the importance of giving time to their loved-ones after their mom passed away early this year.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/24/2016 11:44 PM
Janice and Gelli De Belen emphasize importance of family despite busy acting careers
072516-JaniceGelli_PUSH.jpgKapwa busy ngayon sa kanilang Kapamilya teleseryes ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen. Pero naibahagi nila na mas nagbibigay oras na sila ngayon kasama ang pamilya lalo na kapag weekends. Sabi ni Janice, ito daw ang kanilang na realize ng mamaalam ang kanilang ina na si Mommy Susan noong Pebrero.

"When our mom died earlier this year importante na sa amin ang family pero somehow family has become even more important," sabi ni Janice.

Si Gelli naman, ang pagbe-bake kasama ang kanyang mga anak at pamangkin ang paraan nila para makasama ang isa't isa.

"Kapag Sunday o kapag weekend when we have time, yun ang bonding namin which is what we actually did," sabi ni Gelli.


072516-JaniceGelli_IG.jpg

Patuloy ang taping ni Gelli bilang kontrabida sa inaabangang teleserye na Never Ever Say Goodbye kasama sina Jericho Rosales at Arci Munoz. Kakaiba daw ang kanyang role dito.

"Medyo masama ugali ko dito (laughs) sa totoong buhay din naman! Abangan nyo medyo kakaiba ako dito!" sabi ng aktres.

Si Janice naman na ina ni Erich Gonzales sa top rater na Be My Lady, ibinahagi ang story behind kung bakit new hair ang kanyang papel sa serye.

"Marami na nagko-comment sa Instagram na ampangit ng wig ko eh, wig eh kasi kapag alam mo wig, hindi talaga siya maganda so nag decide sila na tapusin ang wig," natatwang paliwanag ni Janice.