• Home
  • Fresh Scoops
  • Kean Cipriano also says he wants to keep his baby daughter out of the public eye as much as possible.

Kean Cipriano admits he enjoys playing gay roles

Kean Cipriano also says he wants to keep his baby daughter out of the public eye as much as possible.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/24/2016 07:42 AM
Kean Cipriano admits he enjoys playing gay roles

072416-Kean-Cipriano_main.jpgBading ang role ni Kean Cipriano sa pelikula ng Regal Films na That Thing Called Tanga Na kasama ang iba pang gay characters na pino-portray naman nina Eric Quizon, Martin Escudero, at Billy Crawford. May naging peg ba siyang bading sa kanyang karakter?

“Wala ako anyone in particular na naging peg kasi nung mga unang shooting days po namin, tinitimpla pa po namin ni Direk Joel (Lamangan) kung anong klase bang gay character yung ipo-portray ko. Kung siya ba yung all out na o nakalantad na cross dressed, tipong finesse lang o sophisticated lang siya.

“Nag-end-up naman kami sa fashion designer na bilib na bilib sa sarili niya. Pormado lang siya pero wala akong naging peg po in particular na certain person, walang ganu’n,” kuwento ni Kean.


Nahirapan ba siyang maging bading?

“Ako, for some strange reason nung ginagawa namin ito, sa simula naman talaga nung project, kumbaga nag-usap naman kami ni Direk Joel kung anong klaseng gay ba si C.C. (name ng kanyang character), kung ano ba yung flow niya, pero nu’ng sinabi sa akin ni Direk Joel na ganito siyang gay sabi ko, sige, gawin natin.

“Pero dahil nga I’m coming from the music industry, sa rock and roll side of the world, di ba, iba rin siyang preparation. Like, may prayers na kasama, nagpi-people watching ako. Pero naniniwala kasi ako na every character I do meron certain piece yon of me, inialagay ko yon sa character ko,” paliwanag niya.

Nagulat din daw siya na hindi niya namamalayang nai-enjoy na niya ang pagiging gay.

“Nu’ng ginagawa ko yung role na ito, sobra ko siyang nai-enjoy. Nagulat ako kasi ba’t nai-enjoy ko ‘tong role na ito. Nakakatuwa siya kasi bago siya sa akin. Challenging siya for me at saka ibang experience din na at one point in my life gay ako, di ba?” sey pa niya.

Samantala, gustong gawing pribado ni Kean ang tungkol sa anak nila ni Chynna Ortaleza. Wala ring post ng picture ng baby girl sa social media.

“We have our own thing, we have our own decisions, we have our own choices. Kumbaga, yeah we live in a public environment pero hindi kami mapi-pressure sa isang bagay na desisyon namin.”

Hanggang kailan ba niya itatago ang baby nila sa publiko?

“What you see is what you get. We’re not hiding anything, it’s just that we’re very private and careful. Because we’re talking about family now, it’s not just me being the artist or Chynna being the artist, it’s a family thing already. I mean, I’m sure you’ll protect your family as much as you can, di ba? You don’t want to give out like information and all that shit pero ano, eh, choice talaga namin yan.

Kumbaga, kung meron kaming gustong pag-usapan gusto sana naming pag-usapan yung ginagawa naming projects, yung art naming… alam mo yon, kasi yon yung purpose at mission namin sa industriyang ito,” pagtatapos ni Kean.