• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado admits her work schedule won’t allow her to shoot a movie in time for MMFF.

Jennylyn Mercado says her movie with Coco Martin is no longer pushing through this year

Jennylyn Mercado admits her work schedule won’t allow her to shoot a movie in time for MMFF.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/24/2016 07:34 AM
Jennylyn Mercado says her movie with Coco Martin is no longer pushing through this year

072416-JennylynMercado_main.jpgSayang dahil hindi na muna matutuloy ang pelikulang dapat sana ay gagawin ni Jennylyn Mercado sa Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival sa December kasama si Coco Martin. Ayon sa singer-actress, hindi talaga kakayanin ng schedule niya ang gumawa ng pelikula dahil masyado siyang busy sa dami ng trabaho.

“Kung pwede, o kung maisisingit ko, pupuwede, kaya lang hindi talaga kakayanin, eh,” pahayag ni Jennylyn.

Dagdag pa ng aktres,  “Lalo na ngayon, October, kailangang nakapasa na ‘yung pelikula, so, kailangan, ibig sabihin, ngayon, nagtatrabaho na ako. Eh, paano yon, di ba? Kaya malabo talaga.”


Nilinaw rin ni Jennylyn ang isyu na pinipigilan siyang gumawa ng GMA-7 sa Star Cinema. Wala raw ganung pangyayari at hindi yon totoo.

“Hindi lang kami talaga nagkasundo sa schedule dahil napakadami ko po talagang ginagawa sa ngayon,” rason pa niya.

“Nakagawa na rin naman ako sa Star Cinema, kami ni John Lloyd (Just The 3 of Us). Wala namang problema kasi pelikula naman ‘yon. Hindi nila ako pinipigilan or something,” dagdag pa ng aktres.

Maganda rin daw ang naging experience niya working with Star Cinema kaya kung may pagkakataon ay gusto rin daw talaga niyang masundan ang pelikulang Just The 3 of Us na pinagtambalan nila noon ni John Lloyd Cruz na naging blockbuster sa takilya.

Ayon pa kay Jennylyn, suportado rin daw siya ng TV network kung saan siya nakakontrata kapag may ginagawa siyang pelikula sa labas ng kompanya.

“’Yon ‘yung maganda, kasi sinusuportahan pa rin ako ng GMA-7 kahit na gumagawa ako sa Quantum, gumagawa ako sa Regal, Star Cinema,” sabi pa ulit ng magandang aktres.