Itchyworms is hailed 2016 PhilPop Song Festival big winner

It's the second song festival win for the band this year.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/24/2016 02:20 AM
Itchyworms is hailed 2016 PhilPop Song Festival big winner
072316-Itchyworms_PUSH.jpgAng Itchyworms ang big winner sa katatapos lang na 2016 PhilPop Song Festival na naganap sa Kia Theater sa Cubao.

Ang kantang "Di Na Muli" na isinulat ni Jazz Nicolas at Wally Acoloca na interpreted ng Itchyworms ang grand prize winner sa prestigious song festival.

Sa ating interview, masayang masaya ang grupo sa kanilang bagong tagumpay

"It feels so great kasi we are celebrating our 20th year this year so talagang nakakatuwa sobrang special kaya maraming maraming salamat sa inyong lahat," sabi ng vocalist na si Jugs Jugueta.


Nagpasalamat din ang isa sa composers na si Jazz at nakagawa siya ng magandang kanta.

"I thank God for allowing me to write such a song and allowing me to work with my best friends para dito sa song na ito."

Dahil ang Itchy Worms din ang interpreter ng winning song sa nakaraang Himig Handog P-Pop Song Festival, ayaw isipin ng Itchyworms na pressured sila sa susunod nilang mga gagawin.

"No pressure muna, yung sa Himig Handog sinuwerte lang kami na kami ang interpreter pero dito sa PhilPop masaya kasi kasama din namin ang nagsulat so no pressure, rock and roll muna," sabi pa ng grupo.

Ito ang kabuuang listahan ng mga nanalo sa Phil Pop Song Festival:

Special Awards:

Peoples Choice Award : "Lahat" performed by Jason Dy

Best Music Video Award : "Tinatangi" performed by Bayang Barrios, Cookie Chua and The Benjamins

2nd Runner Up : "Tinatangi" performed by Bayang Barrios, Cookie Chua and The Benjamins

1st Runner Up : "Lahat" performed by Jason Dy

Winner : "Di Na Muli" performed by Itchyworms