• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo gets more fit, takes classes during her two-month break.

Is Sarah Geronimo joining a triathlon soon?

Sarah Geronimo gets more fit, takes classes during her two-month break.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/23/2016 09:32 AM
Is Sarah Geronimo joining a triathlon soon?

072316-SarahG_PUSH.jpgSa TMI segment ng Tonight with Boy Abunda, sinusulit diumano ni Sarah Geronimo ang kanyang two-month break. Bukod sa culinary and calligraphy classes, busy rin si Sarah sa ilang physical activities.

Sumubok ng pole dancing si Sarah at viral rin ang litrato kung saan nag-spinning/ biking class sila nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Nag-post rin diumano ng post-workout photo si Hayden Kho kasama si Sarah at Matteo at nakasaad sa caption na supportive sa health and fitness plans si Sarah at Matteo.


Marami ang may spekulasyon na sasabak na rin si Sarah sa triathlon na sport ni Matteo. Meron diuamanong papalapit na triathlon event sa Cebu, ang Iron Girl at isang Sarah Geronimo ang naka-register dito.

Hindi pa naman ito kumpirmado ng kampo ni Sarah kung siya ang Sarah na nakalista sa Iron Girl.