• Home
  • Fresh Scoops
  • Ron Martin says he feels embarrassed whenever people compare him to his brother Coco Martin.

EXCLUSIVE: Ron Martin reveals his brother Coco Martin doesn’t want him to do daring roles

Ron Martin says he feels embarrassed whenever people compare him to his brother Coco Martin.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/23/2016 09:31 AM
EXCLUSIVE: Ron Martin reveals his brother Coco Martin doesn’t want him to do daring roles

072316-RonMartin_PUSH.jpgSobrang proud at natutuwa si Ron Martin sa mga achievements ng kuya niyang si Coco Martin na bida ng teleseryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Kaya raw hiyang-hiya siya kapag ikinukumpara sa kapatid.

Nahihiya po ako nang sobra, eh. Hindi po ako makalakad nang maayos (kapag ikinukumpara). Nahihiya po ako, eh. Hangga’t maaari, ayoko po talaga na ikinukumpara ako kay Kuya, nakakahiya sa kanya,” paulit-ulit niyang reaksyon.

Nakausap ng Push.com.ph si Ron sa press launch ng Cinemalaya kamakailan lang. Kasama si Ron sa dalawang pelikula na parehong entry sa Cinemalaya – ang Tuos na pinagbibidahan ni Nora Aunor at ang Pamilya Ordinaryo.


Ayon kay Ron, enjoy naman siya sa paggawa ng indie film na pinagsimula din noon ni Coco. Type din ba niyang magpaseksi sa mga indie films tulad ni Coco noon?

“Hindi po, eh, magkaiba po kami,” sagot agad niya. “Ayaw po ni Kuya ng ganu’n, eh. Ayaw po, eh, sinabi niya sa akin,” hirit pa ng actor.

Eh, bakit ayaw ng Kuya Coco niya?

Ayaw po niyang pagdaanan ko yung ginawa niya dati,” sagot ni Ron.

Kailan naman ba siya sasabak sa telebisyon o soap opera?

“Indie po muna sabi ni Kuya. Dito daw po muna ako. Sab ko naman, sige lang, okey lang din naman sa akin.

“Kasi yung TV po di ko pa alam kay Kuya. Sa tingin ko po kasi din pa rin ako ready. Pero kung sakali, gusto ko parehas kami ni Kuya (sa ABS-CBN). Gusto ko action-drama.”

Ano naman ang ipinapayo sa kanya ni Coco pagdating sa trabaho?

Sabi lang niya, wag daw akong male-late. Professional daw dapat. Saka kaibiganin daw dapat ang mga co-actors. Aralin ko rin daw mabuti yung script,” sey pa niya.

May love scene si Ron with Barbie Forteza sa Tuos. First time niya raw itong ginawa kaya medyo kinabahan siya.

Nakakahiya na kinakabahan yung pakiramdam ko. First time ko pong ginawa yon tapos may mga kamera pa kaya hiyang-hiya po ako siyempre.

Kinaibigan ko si Barbie nu’ng umpisa pa lang po kaya medyo naging komportable ako kahit papaano nung ginagawa namin yung eksena.”

Pinagpaalam ba niya sa Kuya na gagawa siya ng daring scene?

Hindi po. Nalaman niya na lang po nung pag-uwi ko. Wala naman siyang sinabi nung nalaman niya,” saad niya.

Saka hindi naman daring talaga. Naka-brief naman ako do’n,” pahabol pa niya.

Samantala, second time na ni Ron na nakatrabaho si Nora Aunor. Una sa pelikulang Kabisera at ngayon nga ay sa Tuos. Ano ang advice sa kanya ng Superstar?

Sabi po niya maging natural lang daw po, huwag masyadong mahiya. Mas relax na po ako sa mga eksena ko sa kanya hindi katulad nu’ng first time,” nakangiting pagtatapos ni Ron.