• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Quizon admits he was shocked by the Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao breakup

Eric Quizon admits he was shocked by the Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao breakup

Eric Quizon says he had no clue that there was any trouble in Zsa Zsa Padila’s relationship with Conrad Onglao.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/23/2016 9:34 AM
Eric Quizon admits he was shocked by the Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao breakup


072316-EricQuizon_PUSH.jpg“At this point, she never asks for advice so I guess she knows what she wants.”

Ito ang naging pahayag ni Eric Quizon nang tanungin siya ng entertainment media kung humihingi ba ng advice sa kanya si Zsa Zsa Padilla after nitong makipaghiwalay kay Architect Conrad Onglao.

Si Eric ay isa sa mga bida sa pelikula ng Regal Films na That Thing Called Tanga Na na idinirek ni Joel Lamangan. Ginagampanan ni Eric ang role ni Papa Ronnie Chui na isang rich gay lawyer and a movie fan.

Nagulat ba siya sa nangyari na naghiwalay sina Zsa Zsa at Conrad?

“Of course I got shocked the first time I found out kasi alam ko ikakasal na sila, eh. Iniimbita na nga niya ako, eh, ‘Oh, you’re going to my wedding.’ Sabi ko, of course count me in, sabi ko sa kanya,” reaksyon ni Eric.

Ang buong akala daw niya ay okey si Zsa Zsa dahil wala naman siyang nakikitang kakaiba sa mga ikinikilos nito.

“I never suspected anything. She seemed very happy and ‘pag nagkikita ko naman sila parang masaya naman yung relationship nila. So, I never thought that something like this will happen.”

Hindi na rin daw niya tinanong si Zsa Zsa nung nag-usap sila kung ano ba talaga ang nangayri.

Hindi ko na tinanong, I mean, like I said nu’ng dapat ay mag-uusap kami kasi ang hirap din nu’ng, ‘Oh, anong nangyari?’ Parang nakikitsismis ka lang di ba sa nangyari sa buhay niya, di ba?

“But I texted her when it happened. I said, we’re just here for you. Pero ngayon, nakapag-usap na kami, tapos na,” kuwento pa ni Eric.

Sa tingin ba niya naka-move-on na ang dati niyang step mom?

 “Ah, I think yes and no. Kasi, you know, siyempre may pinagsamahan din sila ni Conrad. I mean, hindi mo maiaalis yon basta-basta. I think anybody would lie if that person says na, ‘Oh, after five days or after a month I’ve moved on. No, that’s not true.”

Ayon pa sa kanya, “You can probably move on and what? Para to be at peace yourself and oh, I’m dating again or I’m seeing somebody else, pero totoo ba yon? You’re just doing that because you want to like feel good about yourself. But deep inside I know they’re both hurting. So kung two years silang nagsama, so probably give Zsa Zsa a year and Conrad a year it if doesn’t work out.”

Matagal nang gustong makipag-usap ni Conrad kay Zsa Zsa pero mukhang walang interes ang singer-actress na kausapin ang ex-boyfriend.

“They should… they should talk. But I think, kailangan din kasi na pareho silang ready kung mag-uusap sila.

Ready naman si Conrad, say ng isang reporter na nag-iinterbyu din kay Eric.

“Ah, okey! Let’s ask Zsa Zsa if she’s ready,” pahayag ni Eric na tinawanan ng press.

“I don’t know, I’ll ask her. She’s out of the country now, eh,” pagtatapos niya.