• Home
  • Fresh Scoops
  • Cong. Vilma Santos confirms she is still friends with Angel Locsin

Cong. Vilma Santos gives advice to Jessy Mendiola and son Luis Manzano

Cong. Vilma Santos confirms she is still friends with Angel Locsin

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/23/2016 09:32 AM
Cong. Vilma Santos gives advice to Jessy Mendiola and son Luis Manzano

072316-VilmaSantos_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, nagsalita na si Congresswoman Vilma Santos tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak na si Luis Manzano, ang ex-girlfriend nito na si Angel Locsin at ang napapabalitang girlfriend nito ngayon na si Jessy Mendiola.

Payo diumano ni Vilma kay Jessy at Luis ay, “It’s just napipyesta lang masyado, that's why I was telling them na be calm, relax kayo wag ng patol nang patol.”

Wala rin diumanong nakikita si Vilma na masama sa love life ng anak. “Naniniwala ako sa anak ko, sa kakayahan ng anak ko. Sa edad niya kaya niyang dalhin ang sarili niya.”


Depensa pa nito kay Luis, “hindi naman niya kasalanan yun e. Hindi naman siya pwedeng maging boyfriend, girlfriend mag-isa. O baka, hindi kaya mabuting tao yung anak ko kaya minamahal siya.”

Natapat pa diumano ang kontrobersiya kung kailan parehong may projects si Angel at Jessy. Maingay rin ang away ng mga fans ng dalawang aktres, lalo na sa social media. Hinala ng natatawang si Cong. Vilma, “baka parte na yan ng promo. Diosko sanay na ho ako diyan for more than 50 years, kaya bayaan na lang natin give it siguro po isa, dalawng linggo ibang news naman yan.”

Wala rin daw magbabago sa pagkakaibigan nila ni Angel.