Judy Ann Santos reveals personal touch in her Cinemalaya film ‘Kusina’

Judy Ann Santos is gearing up for her return to showbiz.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/22/2016 08:13 AM
Judy Ann Santos reveals personal touch in her Cinemalaya film ‘Kusina’

072216-juday_main.jpgMiss na miss ni Judy Ann Santos ang showbiz at naghahanda na siya sa kanyang pagbabalik. Nakatapos siya ng isang indie film na Kusina na ipapalabas sa 2016 Cinemalaya Film Festival.

Malapit sa puso ni Juday ang tema ng pelikula na may kinalaman sa pagluluto, pero di maaalis kay Juday na kabahan dahil para daw siya nagsisimula muli.

"Siguro may pressure ng slight kasi antagal ko nawala. Heavy drama rin ang pelikula na ito. Ayoko siya masyado isipin kasi nagpa-palpitate ako kapag iniisip ko."


Anim na buwan na ang bunso ni Juday na si Luna at ni-share niya na protective na mga kapatid sina Yohan at Lucho. "Mas malikot kay Lucho parang for her age parang nagulat kami napaka-advance niya. Very adorable, very charming. Ang sarap hindi umalis ng bahay."

May special request na daw kaagad si Lucho sa kanyang mommy. "Si Lucho nga humihiling na ng kapatid na lalaki. Sabi ko sa kanya anak under renovation pa si mama hindi pa pwede bhe! (Laughs)"

Sinisimulan na rin ni Juday na maging aktibo sa kanyang fitness routine para mabawasan ang kanyang timbang. "Paunti unti bumalik ako ng swimming. Ngayon nagwo-walking ako in the morning with Luna. Nag ti-360 din ako eventually mag twice a day ako na workout," sabi pa ni Juday.