• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson admits he has regrets that his romance with Bea Alonzo failed.

Gerald Anderson reveals how he developed a crush on Bea Alonzo

Gerald Anderson admits he has regrets that his romance with Bea Alonzo failed.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/22/2016 08:10 AM
Gerald Anderson reveals how he developed a crush on Bea Alonzo

072216-gerald_main.jpgWalang bagong idini-date ngayon si Gerald Anderson. Ito mismo ang kanyang inamin nang makaharap ng entertainment press sa presscon ng kanilang pelikula ni Bea Alonzo na How To Be Yours ng Star Cinema na showing sa July 27 at idinirek ni Dan Villegas.

“Actually, wala eh. Medyo wala ring oras!” rason niya.

“Ang dami rin pong mga ibang commitments sa career at yung ibang personal na ginagawa ko… wala, eh, wala akong time,” dagdag pa niya.


Hindi ba niya hinahanap na magkaroon ng girlfriend?

“Hindi po, eh. Hindi ako naghahanap talaga (ng girlfriend), eh. But hindi naman ibig sabihin na nakasara yung pinto ko or hindi ako open sa kung anong posibleng mangyari o kung sino man yung darating sa buhay ko. It’s just, siguro, naka-focus lang ako sa ibang bagay,” katwiran pa niya.

Naikuwento rin ni Gerald kung paano siya nagsimulang magka-crush kay Bea.

“Wala pa po akong kaalam-alam sa showbiz, hindi po ako nakakaintindi ng Tagalog pero yung isang kaibigan ko nanonood siya ng TV sa sala ko. Tapos sinamahan ko siya at nakita ko siya (Bea) do’n sa TV sa soap na Ikaw Ang Lahat Sa Akin.

“Tapos nu’ng nakita ko siya do’n, sabi ko, ‘Sino yan, sino to?’ And then yon, sinabi niyang si Bea Alonzo yon… siguro mga isang taon pa lang ako sa Gensan non,” natatawa niyang pagre-recall.

Hindi raw niya naisip nadarating ang panahon na magiging girlfriend niya ang aktres.

“Sobra… sobrang unbelievable,” di makapaniwalang sabi ng actor.

“Kahit ngayon nga, eh, nung nagsyuting nga kami nung first day namin, sobrang hirap na hirap ako. Yung parang hindi ako makapaniwala na kaeksena ko siya.

“Yung eksena nga namin lalabas siya ng gas station na may dala siyang kape, pag harap ko sa kanya, yung parang ‘hala, hala, hala…’ yung gumaganaun na yung isip ko. ‘Oh no, oh no! Anong nangyayari?’ Tapos, as in natulala ako, iniisip ko, ano nga yung linya ko?

“But more than yung parang, oo crush ko siya, yung ganu’n, sobrang grateful ako na nilagay ako ni Papa God sa ganitong sitwasyon na kasama siya.”

Nanghinayang ba siya na hindi nagtagal ang kanilang relasyon?

“Oo naman… oo naman!”

Kasalanan ba niya kung bakit sila nag-break noon ni Bea?

“Oo. Ako, ako! Ako mismo, sinasabi ko na immature ako noon. Natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin na hindi ko alam kung paano i-handle.

Nilinaw din ni Gerald na wala raw third party sa naging paghihiwalay nila ni Bea.