• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor said the general thanked him for giving policemen a positive image to the public because of Ang Probinsyano.

Coco Martin meets PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa

The actor said the general thanked him for giving policemen a positive image to the public because of Ang Probinsyano.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/21/2016 07:18 PM
Coco Martin meets PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa
072116-coco-batomain.jpgNagkamay at nagkausap sina Coco Martin at PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa pagbisita ni Coco kaninang hapon sa Camp Crame. 

Kuwento ni Coco, nagpasalamat sa kanya si General Dela Rosa dahil sa magandang imahe ng Pulis na napapanood gabigabi sa top rating teleserye na Ang Probinsyano

"Starstruck po ako eh! Hindi ako makapagsalita pero sabi ko nga po nakakatuwa napakabait niya, napaka simple at nagpasalamat din po ako sa suporta na binibigay ng PNP, sa tulong na ipinagkakaloob nila sa amin," kwento ni Coco. 

Mas tumaas ang ratings ng Ang Probinsyano gabi-gabi at talaga namang tinututukan ang bawat eksena ng teleserye. Ito daw ang nagsisilbing inspirasyon ni Coco at ng mga kasamahan sa palabas. 

"Napakasarap po sa pakiramdam namin dahil pinaghihirapan po namin ang aming trabaho at hangad po namin na makatulong kami sa ating gobyerno at sa ating pamayanan," sabi pa ng aktor. 

Marami pang iikutan ang kuwento ng show at malalaking eksena na pinaghahandaan si Coco para sa manonood. 

"Naway sa mga simpleng pamamaraan sa munti namin pagku kuwento sa bawat istorya na ginagawa namin sana makatulong sa inyo." 

Dagdag pa ni Coco na posible na magkaroon ng cameo appearance si General Ronald Dela Rosa sa Ang Probinsyano na dapat abangan.