• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, Andi Eigenmann, and Matt Evans talk about life as a parent.

‘The Greatest Love’ cast reveals major life changes

Dimples Romana, Andi Eigenmann, and Matt Evans talk about life as a parent.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/20/2016 09:16 AM
‘The Greatest Love’ cast reveals major life changes

072016-greatestlove_main.jpgTatlo sa gumaganap bilang anak ni Sylvia Sanchez sa inaabangang teleserye na The Greatest Love sina Dimples Romana, Andi Eigenmann at Matt Evans na mga magulang na rin ngayon. Naibahagi ng tatlo ang major changes na naganap sa kanilang buhay ng maging parent na sila.

Si Dimples, aminadong matigas ang ulo niya noon at sakit sa ulo ng nanay niya. "Every time we’re into something, lahat tayo iniisip kung ano ang mararamdaman ng mga magulang natin sa ginagawa natin at sumakit po talaga ang ulo ng nanay ko sa akin at wala na kasi si papa noon."

Si Andi Eigenmann, pinasalamatan ang nanay niyang si Jaclyn Jose na gumabay sa kanya ng buntis siya kay Ellie. "One thing that I’m really thankful, looking back, is that I have a mom to take care of me and support me in everything and the rest of the family na ginabayan po ako."


360 degrees naman anv naging description ni Matt Evans sa outlook niya sa buhay ng magsimula na siyang bumuo ng pamilya. "Dati nga po ang nai-tag sa akin ng sumali ako ng PBB teens is ‘happy go lucky’ nagbago kang talaga ang lahat ng nakilala ko ang wife ko kinasal kami at nagka baby."

Malapit ng mapanood ang The Greatest Love na magpapa-alala sa atin na mahalin ang ating mga magulang at magpa halaga sa pamilya.