• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis says she was really not expecting the career success she has now.

Kiray Celis all set to play leading lady to Jake Cuenca, Joseph Marco, and Ejay Falcon

Kiray Celis says she was really not expecting the career success she has now.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/02/2016 09:44 AM
Kiray Celis all set to play leading lady to Jake Cuenca, Joseph Marco, and Ejay Falcon

070216-KirayCelis_main.jpgNaka off-white na dress si Kiray Celis at todo ngiti ng dumating para sa premiere night ng kanyang pelikulang I Love You To Death ng Idea First at Regal Entertainment. Nag abala si Kiray dahil espesyal nga naman ang gabi at siya ang starring role sa pelikula kasama si Enchong Dee na leading man niya. Kuwento ni Kiray na di nya inaasahan ang magagandang biyaya na nakakamit nya ngayon sa kanyang career at kasama na dito ang mga pumoporma at mukhang type siya ligawan.

"Wala po ako ini-expect na kahit ano kaya po ang sarap sa pakiramdam ng mga nangyayari ngayon sa career ko. Nakakatuwa po kasi nakikilala na ako sa mga lugar na pinupuntahan ko. Yung love life makakapaghintay po yan kung sa manliligaw meron naman po interesado pero dyan muna sila pera pera na muna at magta trabaho muna ako."

One at a time ang concentration ni Kiray sa mga alok sa kanyang pelikula at isusunod na ang reunion movie ng Pasion De Amor boys na sina Jake Cuenca, Joseph Marco at Ejay Falcon at si Kiray ang nag-iisang leading lady sa project.


"Ikinuwento na po yan sa akin. Nakakatuwa ang story and aarte pa ba ako sa tatlong makakasama ko? Aba kung may kissing scene mukhang hinihintay na nila yun (laughs)."

Pinaka-close daw si Kiray kay Joseph Marco. At kung pag unlad ng buhay ang pag-uusapan, pinag-iipunan ngayon ni Kiray na makabili ng magandang sasakyan na magagamit nya sa trabaho.