• Home
  • Fresh Scoops
  • The former couple say they had a lot of fun working with each other on the set of their new movie How To Be Yours.

Gerald Anderson and Bea Alonzo are hanging out again

The former couple say they had a lot of fun working with each other on the set of their new movie How To Be Yours.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/02/2016 04:25 PM
Gerald Anderson and Bea Alonzo are hanging out again

070216-BEAGERALD.jpgAll smiles sina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa pictorial ng bago nilang pelikula na How To Be Yours sa direksyon ni Dan Villegas.

Kuwento ni Bea na magaan nila sinimulan at natapos ang project.

"In fairness isa ito sa pinaka msasayang set na nakasali ako parang nilu look forward mo palagi ang trabaho kahit mahirap at may hinahabol kaming oras nagi-enjoy pa rin kami mag-trabaho," sabi ng aktres.


Diretsahan naman sa pagsagot si Direk Dan na malaking factor ang nakaraan nila Gerald at Bea na mas nagpatingkad sa mga eksena ng pelikula.

"Given naman na may history ang dalawa, mas gusto ko yung history nila kaysa sa chemistry, yung banter nila parang alam mo na magkaibigan na sila way before so may mga parts na nagagamit namin na kapag nag uusap sila before the take," sabi ng director.

Si Bea, ibinahagi na tinatawanan na lang nila ni Gerald ngayon ang mga bagay na pinagsamahan nila noon.

"I admire him even more now kasi parang ang weird, alam mo yung ang weird ko, kasi everytime na magkasama kami tawa lang kami ng tawa ginagawa namin joke yung pinagsamahan namin way before,"sabi pa niya.

 Para naman kay Gerald, weird na magkasama sila muli ni Bea sa isang project at muli niyang binalikan ang admiration niya sa aktres kahit noong ‘di pa sila magkakilala.

"Kaya siguro may history kami, kasi we liked each other, I’ve had so many surreal moments sa journey na ito. Naalala ko before na bumili pa ako ng notebook na siya ang cover at pina frame ko pa yun. Step by step yan, we are just having fun. ‘Wag na bigyan ng pressure. Ako kapag nandyan siya sobra saya ko yun naman importante," kwento ni Gerald.

Sa tanong naman kung nag-date na sila sa muli nilang pagkikita, naging honest si Gerald sa kanyang sagot. "Nag-chill, hang out lang kami."

Para kay Bea na nail-link din ngayon kay Paulo Avelino, sinagot niya ang kumalat na picture na magkasama sila.

"Kasama noon sina Enchong. Paulo and I are friends talaga since Sana Bukas Pa Ang Kahapon, mga two years na kami magkaibigan. Siguro sahil nga single kami nabibigyan ng kulay," giit ni Bea.

Nilinaw din ni Bea na hindi nanliligaw sa kanya si Paolo Avelino.

Ipapalabas na ang How to be Yours sa last week ng July.