• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla recounts their little mishap with policemen in Spain

Daniel Padilla on their shoot in Spain: ‘Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis’

Daniel Padilla recounts their little mishap with policemen in Spain

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/02/2016 09:40 AM
Daniel Padilla on their shoot in Spain: ‘Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis’
070216-Kathniel_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, balik na sa Pinas si Teen King at Teen Queen Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Humanga sila sa ganda ng Espanya kung saan sila nag-shoot. Ani Daniel, “Nagkaroon kami ng off and hindi na nga namin kailangang umikot kasi dun pa lang sa ginagawa naming movie e nakikita na namin yung buong Spain.

Kinwento rin ni Daniel na dinumog sila ng mga fans nila na nakabase sa Espanya. “Pag nanunuod yung mga Filipino syempre gustong tsumismis ng mga Espanyol…Mababait naman ang mga Espanyol and yung mga Filipino hindi naman natin maiiwasang manuod….”

Dahil rin daw sa dami ng fans ay, “Minsan kasi napapagalitan kami ng mga pulis dahil ang dami nila. So naano yung shoot namin kasi may oras lang yung shoot namin e.”

Paliwanag pa ni Kathryn, “Kasi yung permit baka bawiin sa amin kasi parang every day may time talaga kasi may mga sequence na kailangan siyang kunan, may plano.”


Baon rin nila ang natutunan nila sa batikang direktor na si Direk Olivia Lamasan. Ani Kathryn, “Walang scene kahit simpleng lakad lang yan, o kahit gaano kasimpleng scene dapat gawin mo ng maayos. Ang dami naming natutunan grabe.”