Ryan Bang admits he wants to be a dramatic actor

Ryan Bang also reveals he’s had a long-time crush on Angelica Panginiban.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/19/2016 9:27 AM
Ryan Bang admits he wants to be a dramatic actor


071916-ryan_main.jpgGusto palang maging dramatic actor ni Ryan Bang. Gusto rin niyan i-feature ang life story niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) pero siya rin daw ang gusto niyang gumanap ditto.

“Alam nila ang istorya ko kaya someday, gusto ko rin mag-MMK, isa yon sa pangarap ko. Pero siguro after 10 years pa yon, pag pumayag si Ma’am Charo (Santos),” simulang pahayag ni Ryan.

Kinausap na ba niya si Tita Charo para dito?

“Hindi ko naman sinasabi kay Ma’am Charo, hindi ko naman hinihingi. Someday pag gusto ng mga tao, pag gusto ni Lord. Dati po kasi dapat may istorya rin ako sa MMK, bata pa po kasi ako noon, eh, so medyo nahirapan akong i-share ang aking istorya kasi nalulungkot pa ang aking puso.

“Pero ngayong matured na ako, handa na po akong i-share ang aking story sa lahat ng Filipino. Yung lahat ng pinagdaanan ko, kung gaano ako… kasi halos lahat ng Pilipino akala nila masaya lang ako, masarap buhay ko, pero madami rin po akong pinagdaanan. Saka minsan nakakalimutan nila ako ay isang Koreano,” patuloy pa niya.

Biro pa ni Ryan, dahil hindi raw siya magaling magdrama at mag-Tagalog kaya baka after 10 years pa mangyari ang inaasam-asam niyang guesting sa MMK.

“Siguro sa 35 years anniversary pa yon ng MMK pag medyo malinaw na ang aking acting, pag marunong na akong magdrama, malinaw na ang aking salita, pati ang aking mukha,” sabi pa niya.

Eh, sino ba ang dramatic actor na gusto niyang tularan?

“Pagdating sa drama, ang idol ko siyempre si Papa P (Piolo Pascual) and Coco Martin. Si Papa P ang unang-una kong kaeksena sa Hawak Kamay, di ba, ako yung best friend niya don. Ako po ay sobrang na-inspired kay Kuya Coco sa Yamishita (Treasures) kasi tinuturuan niya ako kung paano ang acting. Natutuwa po ako talaga ako kasi para niya akong kapatid.

“Kaya medyo gumanda ang acting ko sa Showtime Lenten special. Nakita n’yo yung acting ko kung paano ako mamamatay? Ang galing non, walang tumatawa, halos lahat umiiyak. Kasi sobra ako inspired kay Kuya Coco. Si Kuya Coco talaga nagturo sa akin ng lahat ng acting ko, kaya maraming salamat, napakalaki ng utang na loob ko kay Kuya Coco,” masayang kuwento pa ni Ryan.

Ibinuking din ni Ryan sa press ang sarili niya nang aminin na matagal na niyang crush si Angelica Panganiban na kasama niya sa Banana Sundae.

“May malisya lang talaga ako kay Ate Angelica Panganiban. Ruby pa lang patay na patay na ako kay Ate Angelica,” pag-amin pa niya.

Sinasabi rin daw niya kay Angelica kung ano ang kanyang nararamdaman.

“Alam mo Ate Angel, may malisya ako sa ‘yo. Nagulat siya. First time ko po kasi noon sa ABS-CBN hallway, nakita ko yung pangalan ng Ruby (Angelica), hindi ko kinatok (yung room), natutulog siya, ginising ko siya tapos nag-picture kami. ‘Ruby, I love you Ruby!’ Nagulat siya pero pumayag siya magpa-picture sa akin,” kuwento ni Ryan sa unang pagkikita nila ni Angelica.

Pero ngayong katrabaho na niya ang aktres at naging kaibigan na niya ito, tumaas daw ang respeto niya kay Angelica. Nabawasan na rind aw yung malisyang nararamdamn niya rito, pero yung paghanga, hindi pa rin daw mawawala.