• Home
  • Fresh Scoops
  • Joel Cruz reveals that his children will not automatically inherit his wealth.

EXCLUSIVE: Joel Cruz says he wants to have more children

Joel Cruz reveals that his children will not automatically inherit his wealth.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/19/2016 09:25 AM
EXCLUSIVE: Joel Cruz says he wants to have more children

071916-JoelCruz_main.jpgPito pala ang yaya ng dalawang kambal na anak ng tinaguriang “lord of scents” ng Pilipinas na si Joel Cruz. Hindi naman niya ito itinanggi nang makausap namin siya sa isang concert sa Greenhills.

“Tama yon, seven sila, kasi yung dalawa na huli they’re eight months, halos 24 hours sila kaya bawat isa dalawang yaya. Pero sa unang kambal, bale tatlo ang yaya nila, tig-isa sila tapos yung isang yaya, parang reliever na lang para pag may nagde-day-off meron kaming kapalit.

“Kasi mahirap din lalo na kung nagkakasakit ang yaya, mahirap yon, eh, and it’s so difficult for me being a single father na ako lahat ang nag-iintindi tapos focus pa ako sa trabaho ko. Pero awa naman ng Diyos, nasu-survive ko naman ito,” paliwanag ni Joel sa Push.com.ph.


Hangga’t maaari ay gusto raw ni Joel na maging independent ang kanyang apat na anak pag laki ng mga ito at matuto ring magtrabaho.

“Lagi kong sinasabi sa mga kapatid ko na kahit namulat ang mga anak ko na may mansion na bahay, may magandang sasakyan, may yaya, may security, lahat meron na sila, ibig kong sabihin, in case mauna akong mawala dito sa mundo, ang lagi n’yong sasabihin sa mga anak ko, mag-aral silang mabuti at dapat makatapos sila ng pag-aaral at talagang kailangan, magtatrabaho sila.

“Ngayon pa lang, tinuturo ko na rin yung mga… para maging independent sila, kahit mag-fix ng kanilang bed. After nilang maglaro, pinapaligpit ko yung laruan nila. Alam mo, takot akong lumaki yung mga anak ko na andyan lang lahat ng bagay kasi baka hindi na magtrabaho kasi may pera na.

“Kaya to be honest din, hindi talaga lahat ng wealth ko ay mapupunta sa kanila (mga anak). The company itself, mase-save yan because ang kompanya ko, gusto ko itong mag-prolong sa matagal na panahon. Pero kung buhay pa ako at malaki na sila at may nakita ako sa anak ko na may potential mag-handle ng business, ibibigay ko.

“Kasi depende naman din sa tao yan, eh. Iba-iba kasi ang gusto ng mga bata, baka ang gusto nung bata maging artista, dancer or singer, yung ganu’n, pag nakita ko ang potential nila kung saan sila may talento tutulungan ko. I will back them up sa ganu’ng klaseng career. Basta hindi ako mamimilit, kung ano yung gusto nila, yung passion nila, susuportahan ko,” paliwanag ni Joel.

Naikuwento rin sa amin ni Joel na binabalak pa rin daw niyang madagdagan ang apat niyang mga anak.

“Gusto ko pa talaga. Tinatanong ko ang nanay ko kung bakit ayaw na niya akong magkaroon pa ng anak sabi ko, eh, siya nga 7 ang anak. Tapos sa 7 niyang anak hindi lahat nandon din sa kanya parati para alagaan siya. Buti nga ako nandito para alagaan siya, gusto ko nga rin sana ng ganu’n, na may mag-aalaga sa akin.

“Natatakot daw siya na baka mawala ako nang maaga. Sino daw ang mag-aalaga sa mga anak ko. Sabi ko, alam ko yon. Ano ba ang buhay ko? Ako ba’y naninigarilyo, umiinom or laging puyat gabi-gabi? Healthy rin naman ang lifestyle ko.”

Ilan pa ba ang gusto niyang anak?

“Kung puwede ngang apat, apat pa, eh. Gusto ko talaga ng maraming anak. Pero hindi pa natin alam, eh. Depende kasi yon sa magdadala (surrogate mother). Pero after eight children, hindi ko pa masagot kung hanggang do’n na lang talaga yon,” natatawa niyang pahayag

Photo Credit to Gilber Obispo on Youtube