• Home
  • Fresh Scoops
  • The Pinoy Dream Academy runner-up explains why he suddenly disappeared from showbiz

Jay-R Siaboc asks for another chance as a recording artist

The Pinoy Dream Academy runner-up explains why he suddenly disappeared from showbiz

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

07/18/2016 01:36 PM
Jay-R Siaboc asks for another chance as a recording artist

071816-JayArSiaboc1_push.jpg

Sa interview ng Ratek K host Korina Sanchez kay singer actor, Jay-R Siaboc sinabi nito kung bakit bigla na lamang siyang naglaho sa showbiz. “Umuwi po ako ng Cebu kasi ang dami na pong pangit na mga nangyari sa akin, mga desisyon ko po mali-mali na.”

Ikinwento ni Jay-R na una na sa mga pangit na nangyari sa kanya ay ang “yung nangyari sa amin ng manager ko.” Ayon kay Jay-R kinunan siya ng pera ng kanyang manager, “Pumunta po ako ng Maynila na sobrang inosente ko, yung joint account di ko alam yun. Ginawa yun sa akin ng manager ko.”


 Na-trauma diumano siya ng husto. “Lahat po ng desisyon sa kanya manggagaling, ‘di ko na po alam sinong pagkakatiwalaan ko, na-trauma po talaga ako.”

Kasunod rin ng pagtalikod ni Jay-R sa showbiz ang pagkagalit sa kanya ng pamilya niya. “Yung pamilya ko po siyempre nagalit din sa akin. Sinisi po ako sa mga nangyayari. Kasi po sa pamilya namin talagang ako po yung parang last card e. Napakasakit kasi andun na ako e, napakalaking chance talaga na makaangat kami tapos naranasan ko ulit maputulan ng kuryente...”

Ginawa ni Jay-R ang lahat para mag-survive. “Alam kong hindi ako pwedeng m-adown lalo… Ang mga kakilala ko pinapakiusapan ko na bigyan ako ng raket para magkaroon ako ng income para sa pamilya ko.”

Limang taong tahimik si Jay-R kasama ang girlfriend niyang si Trisha May Varga at ngayon meron na silang anak. Ayon kay Trisha, “Nagkita kami sa point na downfall ng buhay namin.” Umiyak rin si Trisha at sinasabing kung anu-anong pinapasukan niya, maging “direct selling” pero hinding-hindi nila magagawa ang magbenta ng drugs.

Hindi rin daw sumuko si Jay-R sa otoridad. Nilinaw ni Jay-R na, “Pumunta po ako kasi may balitang nagbebenta daw kami. Nakakatakot yung pagbintangan ka ng ganun, pumunta po ako ng police station para linawin yun.”

Aminado naman si Jay-R na dati siyang gumagamit ng shabu. Isa raw ito sa mga maling desisyon na nagawa niya noon at dahil sa drugs may mga show rin siya noon na “hindi ko na nababalikan.” Humingi si Jay-R ng tawad sa mga nagawa niya noon.

Ayon pa sa kanya, “Anak ko po talaga ang nagbago ng pananaw ko sa buhay.”

Payo rin niya sa kabataan na, “’Wag na wag niyo pong umpisahan pag may nag-alok sa inyo kasi totoo po mahirap talagang  tumigil. Saka maraming tao na madadamay lalo na po yung buhay niyo talagang sinisira niyo lang po talaga.”

Hiling rin ni Jay-R na sana bigyang pa siya ng pagkakataon na maipagpatuloy muli ang nasira niyang karera, lalo na ang kanyang karera bilang recording artist.