Vice Ganda gives his first SONA

Vice Ganda launches his book ‘Sona ni President Vice.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/17/2016 10:20 AM
Vice Ganda gives his first SONA


071716-ViceGanda_main.jpgNapuno ang Skydome ng SM City North EDSA kung saan naganap ang book launch ni Vice Ganda na Sona ni President Vice. Bago siya sumampa sa stage ay nakausap muna natin siya backstage kung ano nga ba ang naging inspirasyon nya para isulat ang libro.

"Matagal na nila ako sinasabihan na magsulat ng book pero tungkol saan? Tapos election season noon and ang dami nag-aaway-away sa social media. Ako naman ayoko na sumali sa sagutan kaya mga pampa good vibes ang pino post ko. Doon nag start iyun na i-compile para sa libro."

Dumating pa daw ang pagkakataon na nasa bakasyon sa Boracay si Vice at dito niya isinulat ang ilang parts ng libro. Sa kanya namang top rating na TV show na Gandang Gabi Vice, ibinahagi niya ang mga target nilang future na mga bisita lalo na ngayon at limang taon na ang show.

"Si Vice President Leni Robredo tuloy na dapat yun at saka yung kay Sir Bato (Del Rosairo) kaso last minute may mga kailangan sila gawin, siyempre yun ang kailangan nila unahin dahil tungkulin nila yan sa bayan. Si Baste Duterte naman, ang ganda ng kuwentuhan namin minsan noon at ang ganda sana kung magiging guest siya."

Nagre-ready na daw si Vice ng kanyang pagbisita sa Davao para magbigay saya sa Kadayawan Festival at abangan din daw ang kanyang guesting sa Ang Probinsyano. "Very timely ang magiging istorya sa guesting ko basta abangan nila dapat yan."

Tuloy na rin ang pelikula na pagsasamahan nila ni Coco Martin kasama sina Makmak at Onyok na sana daw ay maipalabas sa araw ng Pasko.