• Home
  • Fresh Scoops
  • The dance group shares how they claimed victory at the just concluded World Championships Of Performing Arts in the US.

Junior New System thankful for WCOPA win

The dance group shares how they claimed victory at the just concluded World Championships Of Performing Arts in the US.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/18/2016 12:12 AM
Junior New System thankful for WCOPA win
071816-JuniorNewSystem_PUSH.jpgMuling nagbigay karangalan sa Pilipinas ang all-male dance group na Junior New System dahil sila ang nanalo bilang 2016 Senior Grand Champion of the World sa World Championships of Performing Arts o WCOPA.

Matatandaan na gumawa na ng marka ang grupo bilang isa sa Pinoy finalist ng Asia's Got Talent noong 2015, kung saan nag-champion naman ang El Gama Penumbra.

Nagbigay mensahe ang grupo sa kanilang naging tagumpay at special mention ang WCOPA PH head na si Gerry Mercado at ang singer na si Jed Madela na sumuporta sa kanilang laban.

"Thank you so much to our WCOPA Team Philippines family. To Sir Gerry and Sir Jed Madela sa lahat po thank you po"


Mahirap ang training na pinagdadaanan ng Junior New System at sa isang maliit na rehearsal area lang sa Sampaloc Manila nabubuo ang kanilang dance routines.

Kapag kailangan na nila mag practice ng liftings at aerial routines, madalas daw ito nagaganap sa kalye o sa tabi ng riles ng tren dahil dito daw may malawak na espasyo.

Nagbigay mensahe rin ang grupo sa kanilang fans at mahal sa buhay na sumusuporta sa kanila.

"Lahat ng sakripisyo natin para maiwagayway ang ating watawat naisakatuparan natin. Kayo ay naging kaagapay namin sa pagbibigay ng lakas ng loob sa bawat performance namin."

Sa kanilang tagumpay, parte pa rin ng kanilang dance costume ang golden high heel shoes kung saan sila nakilala.

071816-JuniorNewSystem01_PUSH.jpg

071816-JuniorNewSystem02_PUSH.jpg

071816-JuniorNewSystem03_PUSH.jpg

071816-JuniorNewSystem04_PUSH.jpg