• Home
  • Fresh Scoops
  • The teen heartthrob shares what it’s like working with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

EXCLUSIVE: Joshua Garcia on Kathniel: ‘Inggit nga ako eh’

The teen heartthrob shares what it’s like working with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/18/2016 01:16 AM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia on Kathniel: ‘Inggit nga ako eh’
071816-JoshuaGarcia_PUSH.jpgKasama si Joshua Garcia sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The Greatest Love, pero hindi pa siya nakakapag-taping sa soap dahil nasa Barcelona, Spain siya noong mga nakaraang araw para sa syuting ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na si Olive Lamasan ang director.

“Ngayon pa lang ako magti-taping kasi kakabalik din lang namin. Pero sobrang excited po ako at masaya don sa mga matututunan ko sa kanila,” sabi ni Joshua sa PUSH.

Sa The Greatest Love ay gagampanan ni Joshua ang role ng anak ni Dimples Romana at apo naman ni Sylvia Sanchez.

Dahil wala pa naman siyang maikuwento tungkol sa experience niya sa bagong serye, kinumusta na lang namin si Joshua kung ano ang pakiramdam niya that’s he is playing third wheel sa tambalang KathNiel.


“Actually, hindi ko pa po puwedeng sabihin kung ako third wheel ba ako do’n o hindi. Pero maganda po yung character ko don. Importante po siya sa movie. Kumbaga, kailangan talaga siyang ilabas sa movie kasi kasama siya sa kuwento talaga,” reaksyon ng binata.

Eh, hindi ba siya nagwo-worry na baka ma-bash ng KathNiel fans lalo na kung ka-love triangle nga ang role niya ng dalawa?

“Wala naman po akong natatanggap na pamba-bash. ‘Yon nga po yung pinagpapasalamat ko kasi sobrang babait naman po nila sa akin at wala naman pong problema,” he said.

Ipinagmalaki rin ni Joshua ang nabuong friendship sa kanilang tatlo habang nagsusyuting sa Barcelona.

“Sobrang close na po namin. Tuwing gabi don sa Barcelona sabay-sabay na kaming nagdi-dinner, kami nina Inang (Olive) at hanggang pabalik dito. Pagbalik po namin parang nag-bonding agad kami, nagpunta ako sa bahay nina DJ, naglaro kami ng rock band.”

Inamin naman ni Joshua na talagang kinabahan siya kay Direk Olive dahil sa pagkakaalam daw niya ay istrikto itong director.

“Nung una po kinabahan talaga ako. Kasi ang sabi, ang gusto niya dapat maganda talaga, parang naririnig ko na ganu’n si Inang. Sabi ko, ‘Kinakabahan ako.’ Tapos nu’ng nandoon na ako, iba pala po siya. Talagang napakabait niya, inaalalayan niya ako kasi alam niya pong bago ako.

“Mabait po siya at hindi… kumbaga, kung trabaho, trabaho talaga, ayaw niya pong naglalaro. Pag tapos na yung syuting, puwede na kayong magdaldalan, puwede na kayong maglaro.”

Eh, ang KathNiel, kumusta namang katrabaho?

“Masaya silang katrabaho kasi inaalalayan nila ako dahil bago ako,” sagot niya.

Hindi ba siya nainggit sa sweetness ng dalawa sa Barcelona?

“Inggit nga ako, eh,” biro ni Joshua. “Sabi ko, wala akong ka-sweet-sweetan dito, so si Inang yung niyayakap ko. Sobrang sweet nila sa Barcelona,” pagbubuko pa ng binata.