• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo admits she and Gerald Anderson had their closure over time.

Bea Alonzo says Gerald Anderson has matured through his ‘scars’

Bea Alonzo admits she and Gerald Anderson had their closure over time.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/17/2016 10:17 AM
Bea Alonzo says Gerald Anderson has matured through his ‘scars’

071716-Bea_Alonzo_main.jpg“Mas nagma-matter actually kung ano yung story, kung naniniwala ba ako sa project at kung naniniwala ako sa sarili ko na kaya kung gawin. It’s more of that, hindi naman talaga kung sino yung makakasama ko.”

Ito ang naging pahayag ni Bea Alonzo nang tanungin namin siya kung hindi ba siya nagdalawang isip na tanggapin ang pelikulang How To Be Yours kasama ang ex niyang si Gerald Anderson.

Ang How To Be Yours ay produced ng Star Cinema at ipalalabas na sa July 27. The film is directed by Dan Villegas.


Sa posibilidad naman na magkabalikan sila ni Gerald, ayon kay Bea, “Ang hirap kasing sagutin yan. Ang hirap magsalita nang tapos ‘no, pero hindi ko pa nagpagdadaanan yung ganu’n, hindi pa siya dumarating sa buhay ko. Pero hindi ko alam yung mga mangyayari.”

Aminado ang aktres na malaki ang nakita niyang pagbabago ngayon kay Gerald kumpara noong magkarelasyon pa sila.

“Ako, natutuwa ako na makita na talagang nag-mature si Ge, sobra. Ang ganda ng growth niya. Alam mo na, first time kong sasabihin ito, na yung mga pinagdaanan niya alam mo na may mga natutunan siya. Kasi parang nakakalungkot naman kung halimbawa, you have gone through a lot of things in life and yet wala kang natutunan, di ba?

“Parang siya, nakita ko yung kung merong scars, ang beautiful ng mga scars, alam mo na may ebidensiya, alam mo na ang dami niyang natutunan. So, mas na-admire ko siya ngayon for that and he’s a better person now aside from the fact that he is cute,” deskripsyon niya sa actor.

Nagkakatawanan na rin lang daw sila ngayon kapag napag-uusapan ang tungkol sa kanilang past.

“The mere fact na napag-uusapan namin siya, tapos ngayon you can just joke about it, napagtatawanan na lang namin ito, ibig sabihin wala na yon. Wala nang bitter feelings, it’s actually so funny for us right now to talk about it.

“Kasi dati parang ang bigat-bigat niya. Yon pala, pag ngayon when you look back parang, ‘Ah, bakit natin masyadong sineryoso yung buhay natin? We were too young, dapat nag-enjoy lang tayo,’” she said.

Nagkaroon ba sila nang maayos na closure ni Gerald?

“Siguro… through time nagkaroon kami ng closure kasi nung time na yon siyempre parang hindi ganu’n…  if I remember it it right, parang hindi ganu’n kalinaw because it was just a short relationship.

”So parang, siguro at least sa parte ko, I’m speaking for myself, of course parang naisip ko na sana mas marami pa akong na-discover sa kanya. To tell you honestly, hindi nga namin napagdaanan yung struggles ng relasyon kasi maigsi lang yung sa amin. But when I look back, parang gusto kong balikan yung time na you were together, yon yung ako na carefree, I was young… he will always  remind me of the time when I was carefree,” she said.

May intimate scenes ba sila sa How To Be Yours?

“Meron, kasi ano siya, eh, istorya siya ng isang relasyon… meron.

“Nu’ng una, kabang-kaba ako, siyempre naman kada eksena (love scene) naman na ganyan, di ba, lalo na pag babae ka nakakakaba naman talaga, pero ito na yata yung pinakanakakatawang love scene na nagawa ko. Kasi si Ge, bigla na lang siyang nagma-macho dance, so talagang matatawa ka na lang kaya ang light lang nu’ng approach,” natatawang kuwento ni Bea.