• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez on her biggest TV role: ‘Hindi talaga ako nangarap na ako’y maging bida’

Sylvia Sanchez on her biggest TV role: ‘Hindi talaga ako nangarap na ako’y maging bida’

Sylvia Sanchez talks about finally getting the biggest break in her career.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/16/2016 8:55 AM
Sylvia Sanchez on her biggest TV role: ‘Hindi talaga ako nangarap na ako’y maging bida’


071616-SylviaSanchez.jpgWith the upcoming premiere of ABS-CBNs newest family drama The Greatest Love, Sylvia Sanchez admitted she feels honored to be chosen as the lead star. "I feel thankful and blessed. Alam mo yung honored na napunta sa akin itong role na ito. Until now hindi pa talaga nag-si-sink in sa utak ko na ako yung bida, hindi talaga. Kasi lagi kong sinasabi sa kanila na atin ito, pamilya ito so walang bida dito kundi tayo lahat.  Kumbaga ensemble acting, yung mga ganun di ba? Kasi hindi ko ito kakayanin ‘pag ako lang. Istorya ng pamilya ito. Kukuha lang ako ng lakas, ng emosyon sa mga anak ko kasi kasama ko si Dimples (Romana) na ang galing, si Andi Eigenmann ang galing, si Matt (Evans), Arron Villaflor, at Joshua (Garcia). Diyoskopo, pag tinititigan ko pa lang sila,” she shared during The Greatest Love grand presscon held last July 14 inside the ABS-CBN compound.

Sylvia plays the role of loving mother Gloria who returns to her hometown and her four children after years of being separated from them. "The Greatest Love is a family drama. Storya ng isang ina na nagsakripisyo at kinalimutan yung sarili niya. At storya din ito ng mga anak at saka yung asawa ko na nagtiis at nagpaka-martir din, minahal ako. Storya ito ni Gloria na sinakripisyo lahat pero later on nung nagkaka-edad na siya, siguro yun yung talagang patutunguhan niya. Yung mga alaala niya sa nakaraan unti-unting nawawala. Pero ito yung storya na kakaiba sa lahat ng ginampanan ko mula noon hanggang ngayon. Kasi hindi pa nag-ro-rolyo, hindi pa nagsisimula yung eksena umiiyak na ako. Kasi ang bigat talaga. Nangyayari ito sa nanay at sa mga anak sa totoong buhay,” she explains. 

In The Greatest Love, her character slowly goes through the different stages of dementia, which Sylvia admitted she personally researched after finding out her role. "Yes, inimmerse ko yung sarili ko sa may ganito klaseng sakit. Kailangan ko eh. Kasi ang expectation ng lahat ng tao ang taas, ang ganda. Lalo na nung napanuod yung teaser. Ayokong mapanuod niyo na parang ay ganun lang. At saka hindi ako yung taong pupunta sa isang gera na walang balang dala. Ayokong may mga umasa sa akin lahat na maganda tapos hanggang doon lang ibibigay ko. Hindi. Hanggat tumatanda ako sa bawat role pinag-aaralan ko kasi artista nga ako eh, gusto ko iba iba yung gagampanan ko, iba iba rin yung atake. Iba ibang Sylvia rin yung inyong makikita,” she admitted.

After more then two decades in the industry, the talented actress said this is the role that is closest to her heart. "Sobra. Eto yung may pagka-Sylvia talaga. Malapit ito sa totoong buhay ko kaya katakot takot ito na emosyon. Ang dami kong mahuhugutan at sana magustuhan niyo lahat,” she said. Sylvia admitted that all her hard work through the years has paid off with her first starring role in a television series. "Actually kasi nung umpisa ko gusto ko mag-artista ang gusto ko talaga na sundan na yapak is Cherie Gil eh. Yung kontrabida, steady. Pag mawala ako pagbalik ko kukunin at kukunin ako. Walang lokohan pero hindi talaga ako nangarap na akoy maging bida. Pero thankful ako, thank you Lord kasi binigay niyo sa akin at the age of 45, after 27 years. So lutang, floating, hindi ako makapaniwala,” she added.

Playing the lead character is not a big pressure for Sylvia because she is focused on doing a good job. "Siguro yung responsibilidad mas lumaki lang. Kasi siguro hindi pa nag-si-sink in eh. Walang pressure. Hindi ko pa nararamdaman kasi actually ayoko rin ipasok sa utak ko na bida na ako dito kasi ayoko ma-pressure dito. Ayokong kabahan, baka maapektuhan yung pagganap ko. Basta laging kong sinasabi, lahat kami dito bida.Basta nagpapasalamat ako sa Diyos ng sobra sobra. Yun lang. Minsan sa bahay natutulala pa rin ako. ‘Talaga Lord? Anong ginawa ko sa buong buhay ko na binigay mo sa akin ito? Na deserve ko ito na alam mo yun na yung binigay mo sa aking regalong ito?Basta ang nasa isip ko lang ngayon binigyan ako ng magandang regalo ng Diyos, isa lang ang nasa isip ko, ‘Itinaas mo ako, mas lalo akong magpapakumbaba,she shared.

Now that she has reached lead star status, Sylvia said it will not deter her from still accepting supporting roles in the future. "Oo naman. After nitong pag-li-lead ko, halimbawa sa next project ko supporting ulit ako, hindi ako mamimili basta magaganda lang yung role na gagampanan ko. Puwede akong maging bida, puwede akong kontrabida, ayokong nandun lang sa pag bida dapat bida lang lagi. Ayoko,” she said.