• Home
  • Fresh Scoops
  • As a method actor, Janus del Prado wants to try something different.

Janus del Prado talks about being the lead actor for the first time in an indie film

As a method actor, Janus del Prado wants to try something different.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/16/2016 08:51 AM
Janus del Prado talks about being the lead actor for the first time in an indie film

071616-JanusDelPrado.jpgBiggest break sa pelikula para kay Janus del Prado ang pelikula niya sa Cinemalaya na Ang Bagong Pamilya ni Ponching na ang istorya ay tungkol sa pang-i-scam.

“Simple lang naman siya na kuwento ng dalawang magkaibigan na (Ketchup Eusebio ang isa) just trying to survive sa everyday life so they do all sorts of scams like nagbebenta ng pirated CD, ganu’n. And then one time, naisipan nilang i-try mang-text scam, yung mga nauuso ngayon.

Yung character ko kasi as Ponching medyo may pagkainosente ang pananaw sa buhay. Masyado kong drinamahan yung text ko na may sakit yung tatay ko, na kialangang padalhan ng pera, eh, sumakto do’n sa sitwasyon nu’ng pinagsendan ko ng text, akala tuloy nila ako yung nawawalang anak nung kapatid nila. So ganu’n yung story,” kuwento ni Janus tungkol sa role niya at sa istorya ng pelikula.


Eh, ano ang pakiramdam na bida na siya sa pelikula?

Hindi ko rin naman ramdam,” pabiro niyang pahayag. “Kilala n’yo rin naman ako, di ba? Actually, title role lang ako pero yung buong cast naman talaga ang bida sa movie.

Lahat naman ng ginagawa ko, big deal sa akin mapa-mainstream or indie. Well, big deal ito sa akin kasi unang beses kong nag-indie, first indie ko ito.

Yung dating … actually hindi pa nga indie yung Noy (Coco Martin), eh, ano rin yon, eh, mainstream din yon, eh. Pero cameo lang ako do’n kay Coco. So, ito yung first indie ko, so big deal in that sense, pero actually ang pakiramdam ko co-actors pa rin talaga lahat kami,” paliwanag ni Janus.

Ano ba ang unforgettable learnings niya doing an indie film?

Mas may freedom lang ako dito to do what I want. Na-enjoy namin ni Ketchup lalo na yung mga eksena na nag-improvise kami. Pero gusto ko pa siyempre, sana maulit pa.

Kasi lumaki ako as method actor, eh. Gusto ko sanang mag-try ng something different, na tipong ginagawa nina Christian Bale, Edward Norton, ang taas ng pangarap, eh, ano? Na physically and emotionally involved sila sa character kasi most of the time, it’s just me playing me with na iba-iba lang ang pangalan sa movies na ginawa ko. Pero dito naman naiba yon,” sey pa ni Janus.

Eh, ang magkaaward sa pelikulang ginawa niya sa Cinemalaya iniisip ba niya?

“Actually, hindi ko siya iniisip. Medyo cliché ha, pero natutuwa lang talaga ako na may indie ako ngayon kasi matagal ko ng gustong magka-indie, natataon lang na may mga ginagawa akong movie sa Star Cinema tapos may soap opera so hindi maisingit.

Eh,naisingit nila this year kahit meron akong soap na ongoing, tapos yung Gerald-Bea movie na ginagawa ko rin, happy ako na finally, nagawa ko ito,” pahayag pa ng magaling na actor.