• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin said he and director Wenn Deramas were already working on a concept before the latter passed away.

Coco Martin reveals possible movie with Sharon Cuneta

Coco Martin said he and director Wenn Deramas were already working on a concept before the latter passed away.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/16/2016 08:57 AM
Coco Martin reveals possible movie with Sharon Cuneta

071616-CocoMartin.jpgSa thank you press conference para sa top rating teleserye na Ang Probinsyano, naikuwento ni Coco Martin na matagal na siyang may naisip na concept para sa isang pelikula na pagsasamahan nila ng Megastar na si Sharon Cuneta. Nabubuhay pa daw si Direk Wenn Deramas noon at dito nya ito una nasabi.

"After po ipalabas ang Beauty and the Bestie namin ni Vice (Ganda) itinawag ko noon kay Direk Wenn. Sabi ko may naisip po ako concept, sabi niya ano yun tapos ikinuwento ko yung story ng mag nanay kaso ang kasama ko dito si ate Shawie, ang ganda nyan sabi nya tapos tawag tayo sa Star Cinema ganyan ganyan, sabi ko direk ikaw na bahala then itinawag na nya."

Excited na sana ang lahat na masimulan ang pagbubuo sa pelikula hanggang sa mangyari nga ang pagpanaw ni Direk Wenn. Nakarating na rin daw kay Sharon ang balita at masaya daw ito sa possible project.


"Kapag nagkaroon ako ng opportunity, kapag nagkaroon ako ng break sa Probinsyano gawin na natin sabi ko kay Direk, and then nangyari nga iyun kay Direk Wenn, hindi na siya ulit napag usapan, hanggang sa magkita kami ni Tita Malou (Santos) sinabi ko na rin kanya. Noong trade launch po nagkita kami ni Ate Shawie siguro po nabanggit ni Tita Malou na may concept with Coco and sa iyo ganyan, ng magkita kami ni Ate Shawie tuwang tuwa siya."

Katuparan daw ito ng mga pangarap ni Coco na makasama ang mga artista na iniidolo nya noon pa man. "Bilang artista isang karangalan na makatrabaho ko sila kasi dati idolo ko sila, idolo sila ng nanay at tatay ko. Napakasarap sa pakiramdam na yung maliliit na bagay na natutupad dahil nakakatrabaho ko sila," pagtatapos ni Coco.