• Home
  • Fresh Scoops
  • President Duterte agrees to hold Miss Universe pageant in the Philippines

President Duterte agrees to hold Miss Universe pageant in the Philippines

The Department of Tourism says they are proposing to have parts of the pageant shot in Boracay, Palawan and Cebu.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

7/15/2016 6:00 PM
President Duterte agrees to hold Miss Universe pageant in the Philippines


071516-duterte_main.jpgAyon sa Department of Tourism (DOT) secretary na si Wanda Teo, pumayag si Philippine President Rodrigo Duterte na dito sa bansa ganapin ang next Miss Universe pageant. Sa isang statement na inilabas ng DOT secretary kahapon, July 14, malaking tulong rin ito sa pag boost ng turismo sa Pilipinas.

Kung sakaling matuloy ang international pageant sa Pilipinas, hihilingin ni Sec. Teo na sa May ito idaos at hindi January dahil marami pang nakalatag na events sa unang buwan ng taon tulad ng Sinulog Festival at Chinese New Year.
"Medyo gipit kaya probably we'll ask them to move it," sinabi ni Wanda sa ABS-CBN News. 

Kung sakali, kakailanganin ng DOT ng $12million na budget para sa Miss Universe pageant at gaganapin sa Boracay, Palawan at Cebu ang ibang segments ng pageant para hindi lamang sa Maynila ma-focus ang attention kung hindi sa iba pang tourist spots sa bansa.

Si Pia Wurtzbach ang reigning Miss Universe at si Maxine Medina naman ang lalaban para sa 2016 Miss Universe title. Layunin rin ni Maxine na maging back-to-back ang panalo ng Pilipinas sa international beauty contest.

“It will be an honor for Pia to come back to the Philippines and crown her successor here," ani Sec. Teo.
1994 pa huling nag host ang Pilipinas ng Miss Universe pageant at si Pia ang unang nakakamit ng Miss Universe title sa loob na apat na dekada.