• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikko Natividad becomes emotional as he confesses being a father to a one-year-old baby on PBB Lucky 7.

Hashtags’ Nikko Natividad admits he’s already a father

Nikko Natividad becomes emotional as he confesses being a father to a one-year-old baby on PBB Lucky 7.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

07/15/2016 10:25 AM
Hashtags’ Nikko Natividad admits he’s already a father

071516-nikko1_main.jpgEmosyonal na inamin ng celebrity housemate na si Nikko Natividad, miyembro ng grupong Hashtags, na isa na siyang ama sa episode ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong Hulyo 14.

Ani ni Nikko ay may isang taong gulang na anak na siya. “Kamukhang-kamukha ko po. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘yung mga hindi ko naramdaman ‘nung bata ako, ipararamdam ko sa kanya para kahit hindi ko naramdaman, ‘pag naparamdam ko sa kanya, at least parang naramdaman ko na rin po.

“Sobrang mahal na mahal ko po ‘yung anak ko pati siyempre ‘yung girlfriend ko. Madalas po kaming mag-away kasi bakit daw po tinatago ko sila lalo na po ‘yung anak ko. Nasasaktan daw po siya,” ani ni Nikko na hindi napigilan ang pag-iyak.


Aniya, nagawa niyang itago ang tungkol sa kanyang anak dahil nagsisimula pa lamang ang karera niya sa showbiz ngunit hindi niya ito ikinakahiya. Sa katunayan ay sobrang proud daw siya na may anak siya na mahal na mahal niya.

Nais rin daw yumaman ni Nikko para sa kanyang pamilya. “Kasi mulat ako sa pamilya na walang ibang problema kung hindi pera, pera.” Binigyan naman siya ng advice ni Kuya na ang pinakamahalagang yaman ay ang yaman ng pamilya.

“Paglabas na paglabas ko po dito, dadalhin ko po siya sa mall… Nagi-guilty po ako eh. Nakabili ako ng sasakyan, nakakakain ako sa labas pero ‘yung anak ko hindi ko mailabas. Nakukunsensya ako, Kuya,” madamdaming pagtatapat pa ng tinaguriang “Kilig Ambassador.”

Inamin din niyang kinakabahan siya sa kung paglabas niya ng Bahay ni Kuya ay miyembro pa rin siya ng Hashtags. “Hindi man po ako sumikat, okay lang po. ‘Wag niyo lang po akong alisan ng trabaho. Kailangan na kailangan ko po ng trabaho talaga. Kasi Kuya, ’pag tanda ko, ‘pag hindi na ako makalakad, asawa at anak ko naman po ‘yung nandiyan para sa akin. Hindi naman po ako iiwan ‘nun,” ika niya.