• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin says they don’t want complications in the plot of ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin reveals why they don’t focus on the love angle with Maja Salvador in ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin says they don’t want complications in the plot of ‘Ang Probinsyano’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/15/2016 10:17 AM
Coco Martin reveals why they don’t focus on the love angle with Maja Salvador in ‘Ang Probinsyano’

071516-cocomaja_main.jpgSa thanksgiving presscon ng Ang Probinsyano na mag-iisang taon na palang umeere sa telebisyon, ipinaliwanag ni Coco Martin kung bakit wala pang masyadong love angle between his character at kay Maja Salvador na gumaganap din bilang pulis sa teleserye.

“Kasi kung papansinin n’yo siya, yung show is a hero story, eh. Hindi siya yung typical na love story na ano… ganyan. Kaya parang kami, pag inaano namin siya sa creative, ayaw naming madaliin.

“Kasi siyempre, naglo-look forward kami na mahaba ‘to. Kasi, imaginin nyo, kapag nagkadebelopan na kami ni Maj and then dire-diretso na yon. And siyempre, bilang policeman, siyempre magiging caeful na ako sa kanya, hindi ko na yon pagtatrabahuhin,” paliwanag ng actor.


Patuloy pa niya, “Ayoko siyang bigyan ng komplikasyon. Kasi siyempre, bilang pulis, pulis din si Maja, hero rin siya, eh. Kapag pumasok na yung sa love story mapipigilan na kaming… lalo na episodic kami. Kumbaga, ang tendency, parang inaano namin na bawat character napupuntahan, kaya nga pinasok namin si John Prats para magkaroon ng love triangle.

“Kumbaga, gusto rin naming na buong-buo yung kuwento niya (Maja), sa pamilya niya, kuwento niya sa akin, kay John Prats, sa trabaho niya. Kasi minsan, may episode kami na ang buong episode na yon ay kay Maja kung paano niya iso-solve yung case, parang ganu’n.”

Sigurado raw kasming magkakaron ng limitasyon kapag nagka-inlaban na sila sa Ang Probinsyano.

“Ayaw naming bigyan ng limitasyon baka mamaya, mahirapan kami. Pero sabi ko nga, tatakbo at tatakbo yan (love story), kasi siyempre, kumbaga dahan-dahan lang,” sabi pa ni Coco.

Si Sen. Grace Poe at hindi si Presidente Rodrigo Duterte ang sinuportahan noon ni Coco sa kampanya for the presidential race. Masaya ba siya sa nakikita niya ngayon sa bagong administrasyon?

“Honestly, masaya po ako,” pag-amin niya.

“Kasi dati po, lahat tayo, ako may pamilya, sobrang concern ko sa pamilya ko, every night kinakabahan ako kung nasa bahay na yung pamilya ko o nautulog na sila nang maayos. Ngayon alam n’yo po yung pakiramdam ko, yung mga kriminal ang takot ngayon sa nangyayari.

“Na parang feeling ko, dahan-dahan, kung ako man, makakalakad na ako nang maayos. Kasi dati, di ba parang feeling mo pag madilim, ‘shit baka mamaya merong whatever dito.’ Ngayon feeling ko, yung mga criminal o mga gumagawa ng hindi maganda, sila pa ang natatakot,” katwiran niya.

Eh, do’n sa ginagawa ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, sang-ayon ba siya?

“Sabi ko nga, hindi hundred percent na siguro tama o maganda yung nakikita natin o lahat tayo sang-ayon, pero ang importante sa akin may nakikita na akong pagbabago na kagaya ng sinabi nila. Ang importante naman talaga, eh, yung totoong kumikilos, eh, at totoong tinutupad nila pinangako nila kaya sobrang saya ko po sa mga nangyayari ngayon.

“Pero sabi ko nga po, lahat yan dapat merong ano… kumbaga, dapat inaaral natin yung karapatan natin. Siyempre, hindi naman din po ako papayag kapag alam ko na lumalabag o sumosobra sila sa ginagawa nila. Siyempre, kahit papaano, may human rights na siyempre lahat tayong tao may karapatan,” paliwanag ni Coco.

Ipinahabol pa ni Coco na gusto rin niyang ma-meet si PNP Chief Bato. “Sana po ma-meet ko para mapahayag ko rin yung suporta at pagrespeto ko sa kanya.”