• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach to meet with Pres. Duterte about Miss Universe 2017

Pia Wurtzbach to meet with Pres. Duterte about Miss Universe 2017

Pia Wurtzbach dreams of crowning the next Miss Universe in the Philippines.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/14/2016 9:00 AM
Pia Wurtzbach to meet with Pres. Duterte about Miss Universe 2017


071416-pia_main.jpgExcited na nagpahiwatig si Miss Universe Pia Wurtzbach na malapit na matupad ang pangarap niya na sa Pilipinas gawin ang Ms. Universe 2017.

Sa Facebook live chat niya kagabi, July 12, sa kanyang fans sinabi ni Pia na, “right now it’s in the works but hopefully, hopefully fingers crossed, it’s the one that I’ve been praying for and I guess you know what that is, so let’s just hope for the best.”

Nauna nang sinabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo na nakatakdang mag-usap si Pia at si President Rodrigo Duterte ngayong July 18 para ayusin ang mga details ng pageant.

Sinabi rin ng Miss Universe Organization na nakatakdang ganapin ang Ms. Universe pageant sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Kinumpirma rin ni Pia na, “yes, I am going to the Philippines very, very soon.”

Ayon kay DOT Sec. Teo, malaki ang papel ng pageant para isulong ang turismo sa bansa.