• Home
  • Fresh Scoops
  • Dominic Ochoa is very thankful for the opportunity to become the lead in a series.

Dominic Ochoa gets emotional about ‘My Super D’ finale

Dominic Ochoa is very thankful for the opportunity to become the lead in a series.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/14/2016 09:32 AM
Dominic Ochoa gets emotional about ‘My Super D’ finale

071416-dominic_main.jpgTapos na sa Friday (July 15) ang My Super D series ni Dominic Ochoa at ipinagpapasalamat niya nang malaki ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN para oportunidad na maranasahang maging bida.

“On the way nga sa taping, when I was driving I pray sa Skyway because I live in the South, so pagsampa ko ng Skyway hanggang pagbaba ko ng Buendia yon ang dasal moment ko, eh. Wala naman akong driver.

“Yon yung mga ni-reflect ko lang… yung opportunity na ibinigay sa akin,” emosyonal na pahayag ng aktor.


Saglit na natahimik ang lahat lalo na nang hindi na napigilan ni Dominic ang mapaiyak.

“Yung tiwala rin kasi iba rin yon, eh. Yung paghihirap din ng lahat ng tao (sa show)… yon lang, sorry ha,” humihikbi niyang pahayag.

Ano ba ang hindi niya malilimutang experience habang ginagawa ang My Super D?

“Hindi naging madali para sa aming lahat yung show pero nakayanan naman in a way with the help of everyone, nagsama-sama kaming pinagtulungan lahat yan.

“Sa una, mahirap eh. Masakit talaga (yung harness) pero at the end of the day you’ll get used to it and you’ll be fine. Pero masakit talaga sa bilbil pag naipit na lalo na pag hindi tama yung pagkakasalpak.

“Madali yung paakyat baba, eh, pero once humiga ka na, it’s basically your balancing ang gumagana. You can only hold yourself maybe for 30 to 40 seconds, but after that it’s really painful. Pagtapos non, para ka talagang nag-workout,” kuwento niya.

Namayat din daw siya dahil sa serye nila ni Marco Masa at Bianca Manalo.

“Nag-training naman kami ng martial arts with our fight director, tapos before that, December pa lang I knew about it kaya nag-jogging at swimming na rin ako. I lost 18 pounds before we shot this pero namayat pa rin lalo nung nagtrabaho which is a free exercise for me, namayat ka ng libre,” natatawa na niyang kuwento.

Kahit nagbida na, willing pa rin ba siyang tumanggap ng supporting roles?

“Oo naman. Game ako. I’m open to accepting supporting roles at sanay naman tayo do’n. I mean, this was just an opportunity to… that was given to me. Nami-miss ko nga actually ang supporting roles.

Dagdag pa niya, “I don’t call it supporting role, most of the roles given to me are character roles, eh – yung magpa-pari, etc. May iba ring twist yung supporting (role) kasi napapaglaruan mo yung gagawin mo. Saka hindi ka masyadong pressured kasi hindi naman ikaw yung bida.”

Ikinatuwa naman ng actor na nagkaroon siya ng fans na bata dahil sa show.

“Dati po matroniks ang mga kumakaway, nagpapa-picture sa akin. Ngayon hindi na, mga bagets na, balik na yung mga bata,” masaya niyang pagtatapos.