30 Candidates for 2016 Mutya ng Pilipinas revealed

The candidates for Mutya ng Pilipinas 2016 are presented to the public.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/14/2016 9:29 AM
30 Candidates for 2016 Mutya ng Pilipinas revealed


071416-mutya_main.jpgIpinakilala sa media ang tatlumpung kandidata para sa 2016 Mutya ng Pilipinas beauty pageant. Ito na ang ika-48th edition ng isa sa longest running national pageant na nagpapadala ng pinay representatives para sa Miss Tourism International; Miss Tourism Queen of the Year International at Miss Asia Pacific International.

Kanya-kanyang kuwento ng kanilang personal na buhay ang candidates sa press during Q and A portion. Kabilang na si Ganiel Akrisha Krishna, Mutya Ng Manila at isa rin sa sportscaster ng ABS-CBN Sports Channel. Mas marami daw siyang mai-inspire na kabataan sa pagsali sa beauty contest. "I know I can influence people through my reporting but I know I can influence more through this pageant like charity and helping other people."

Binansagan naman as "Kangkong Girl" si Renelyn Daguit, Mutya ng Negros Island, dahil sa pagtitinda ng kangkong ng kanyang mga magulang ang nagtaguyod sa kanila sa pag-aaral. "Yes because my mother she plants kangkong and in our islands most people plant kangkong to feed their pigs."

Ang Japanese-Filipino na si Mayu Murakami, Mutya ng Japan, kahit sa ibang bansa lumaki, proud sa kanyang Pinoy relatives na isa sa nagsimula ng shoe industry sa Marikina. "Our Filipino family name is Eustaquio who is one of the first shoe designers in Marikina and we still have our shoe business there."

Magaganap ang coronation night ng Mutya ng Pilipinas sa July 30 sa Resorts World at mapapanood naman sa ABS-CBN sa July 31, 10 am.