• Home
  • Fresh Scoops
  • Manny Pacquiao will take a leave from Senate to fight according to Bob Arum

Manny Pacquiao will take a leave from Senate to fight according to Bob Arum

Manny Pacquiao will not be hanging up his gloves anytime soon.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

7/13/2016 9:11 AM
Manny Pacquiao will take a leave from Senate to fight according to Bob Arum


071316-manny_main.jpgKinumpirma ng Top Rank Inc. chief na si Bob Arum na hindi pa magreretiro sa boxing ang world boxing champ na si Manny Pacquiao. Kamakailan lamang ay naupo na bilang senador si Manny at ayon kay Arum, tumityempo lamang siya kung kailan makakapag-leave para sa kanyang training.

“He is going to fight. I don't know what the date is. He is working with the President of the Philippines senate for an appropriate date where he can leave the Philippines for two or three weeks to prepare for the fight,” pahayag ni Arum sa boxingscene.com.

Noong April naman, natalo ng Pambansang Kamao si Timothy Bradley at kahit na sinabi niyang magreretiro na siya, usap-usapin paring hindi pa iyon ang huling laban niya dahil bali-balitang nakapag pa reserve raw si Arum ng venue para sa kanyang laban sa October.


May mga balita ring kumalat na ang makakalaban sana ni Manny ay ang former multiple-pision champion na si Adrien Broner ngunit masyadong mataas ang presyong hiningi ni Broner kaya hindi na rin siya ang napili.


"That is correct (that Broner priced himself out). I was dealing with (Broner’s adviser) Al Haymon on making that fight. Al tried but Broner was asking for crazy money that nobody can afford so he is out and Manny is looking for another opponent,” pagkumpirma ng veteran promoter.


Gayunpaman, confident parin si Arum na matutuloy ang laban ni Manny.


“In any event, he is going to have to do most of his preparation in the Philippines – you know after he sits in the Senate – so it is going to be an interesting thing, but definitely he is looking to come back and the question is how can we arrange it.”