• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang talks about working with Bret Jackson and Lee O’Brian in an indie movie.

EXCLUSIVE: Pokwang admits she has a sensitive scene with Bret Jackson in indie film

Pokwang talks about working with Bret Jackson and Lee O’Brian in an indie movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/12/2016 09:35 AM
EXCLUSIVE: Pokwang admits she has a sensitive scene with Bret Jackson in indie film
071216-pokwang_main.jpgFirst time ni Pokwang na magkakaroon ng pelikula sa Cinemalaya Independent Film Festival kaya excited siyang umattend nu’ng press launch ng festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.

Si Pokwang at Bret Jackson ang bida sa pelikulang Mercury Is Mine na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

“Alam mo, iba kasi yung Cinemalaya, nakaka-proud. Alam mo yon, yung hindi ganun kalaki ang talent fee, okey lang. Dapat hindi tayo laging puro pera-pera lang.

“Yung pagiging artista hindi ka dapat nakakahon. Alam mo yon, yung mas lalawak ka bilang artista,” paliwanag ni Pokwang sa Push.com.ph.

Eh, ano ba ang na-enjoy niya sa paggawa ng indie?

“Masaya kasi parang walang… sobrang gaan lang talaga, masaya. Si Direk Paul, makikita mo talaga kung gaano niya kamahal yung ginagawa niya. Lahat pulido, malinis… kaya hindi ako nagtataka kung bakit nag-arrive agad ang pangalan ng lolo mo, di ba?

“Iba siya, eh. Iba siyang mag-alaga ng craft niya. Mahusay, malalim,” deskripsyon niya sa director ng pelikula.

Gagampanan ni Pokwang ang role ni Carmen na may-ari ng isang karinderyang malapit nang magsara. Si Bret naman ay si Mercury na nakitira sa kanyang karinderya.

May love angle ba sila ni Bret sa pelikula?

“Meron pero very, very light lang,” natatawa niyang pag-amin. “Ang bagets, di ba? Ang ganda kasi ng istorya, cool na cool.”

Eh, kumusta namang katrabaho si Bret?

“Na-harass ko siya ng very light,” natatawa niyang kuwento. “Napaka-fresh, sarap katrabaho at walang karekla-reklamo,” sey pa niya.

Si Lee O’Brian na boyfriend ni Pokwang ang gumaganap namang tatay ni Bret sa pelkula. Wala bang awkward feeling habang ginagwa nila ni Bret ang isang sensitive scene?

“Hindi naman masyadong pinakita, eh. Yung ano lang, naalagaan naman. Ibang araw naman ako kinunan, yung wala siya (Lee). Hindi ko na rin ipinagpaalam kasi hindi naman masyadong bigay na bigay. Pag-cut, yon na, tsuk!” katwiran pa niya.

Nabanggit din ni Pokwang na may ginawa sa kanya si Bret na dapat panoorin ng mga tao.

“Naku, yon ang dapat nilang abangan. Ano ba yung mangyayari, pero wala, eh, malinis yung pagkakagawa, eh. Hindi yung kadiri na ewww. Ang ganda ng treatment.”

Totoo bang may eksena na grinab ni Bret ang boobs niya?

“Oo, merong eksenang ganu’n.”

Anong reaksyon niya?

“Wala lang. Puro padding naman, eh. Wala akong naramdman,” sabay tawa ni Pokwang.

Palabas na sa August ang Mercury Is Mine na isa sa pelikulang kasali sa Cinemalaya.